CRAIG VELEZ “Sir!” habol na tawag sa kanya ni Klein. Kailangan na rin niyang umalis dahil may pupuntahin pa siya. Bakit kasi nakalimutan niyang kaarawan ng kanyang ina? Kaarawan kasi ni Mama sa susunod na linggo. Hindi siya nito titigilan kapag wala siyang ibibigay na regalo dito. May gusto pa naman itong bilhin o mas tamang sabihin ay naagaw ang atensyon nito ang isang painting sa isang store. Iyon ay may isang babaeng nakahawak na sunflower. Naalala nito ang kanyang kapatid na si Carey. Salubong ang kilay niya nang lumingon siya rito. “What? I don’t have time, Klein. Alas onse na ng umaga ay magsasara ang pupuntahan kong studio. Kaya kailangan kong bilhin iyon ngayon dahil may gaganapin na auction mamayang gabi, isa iyon sa i-auction nila. Hangga’t maaga pa ay bibilh

