CHAPTER 50

2124 Words

CRUISHA MARTINEZ Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa kalagayan ng binata. Nakatulog ito matapos nitong umiyak sa dibdib niya. Dinala niya ito sa loob ng opisina niya dahil ayaw talaga siya nitong pakawalan at makaagaw ng atensyon sa ospital. Kahit anong tulak niya ay ayaw siya nitong bitawan at mas lalo pa itong humigpit ang pagkakayakap sa kanyang beywang. Hinaplos niya ang buhok ng binata na nakaunan sa hita niya. Hindi niya akalain na ganito ang kinahihinatnan nito sa loob ng isang linggo. Nagsisisi tuloy siyang ini-off niya ang kanyang cellphone. Gusto lang kasi niyang tahimik at makapag-isip ng matino sa kadahilanan ay nasaktan din siya nito. Naalala niya ang pinag-uusapan nila kanina ng mga magulang nito. Sa loob ng isang linggo kung ano ang ginagawa ng binata para hanapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD