CRUISHA MARTINEZ Naimulat ni Cruisha ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang wala si Craig sa tabi niya. Kunot-noo siyang bumangon mula sa pagkakahiga at binalutan niya ang kanyang katawan ng roba bago niya nilapitan ang binata na nakatanaw sa kawalan. Batid niya ay may malalim itong iniisip dahil panay buntong-hininga ito. Tahimik na naglalakad siya sa kinaroroonan ng binata at niyakap ito mula sa likuran. Nakita niyang nagulat ito sa ginawa niya at nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay na sana tiyan nito. “Anong iniisip mo, Craig? Bakit hindi ka natulog?” Napangisi ito sa tanong niya, pero iba naman ang nakikita niya sa mga mata ng binata. Pinagmasdan niya ito na nagpakunot-noo ng binata. Nakita niya ang pagtatanong sa mga mata

