CRUISHA MARTINEZ AWKWARD. Iyon ang naramdaman niya ngayong oras na ito. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang i-react sa pinahayag nitong damdamin. Dapat ba siyang maniwala? Sa sobra ba namang bilis ng pangyayari o sadyang nagbulag-bulagan lang siya kaya hindi niya nakikita ang pinapahiwatig nito sa kanya? Hindi niya talaga alam kung ano ang i-react dahil ito ang unang beses na may nagkonpronta sa kanya na may gusto sa kanya. Napailing na lang siya at napasipa na lang sa buhangin. Nandito sila ngayon sa dagat kung saan gaganapin ang kaarawan ni Tita Rose. Kaya pala pinapunta siya kasama si Craig ay dahil gusto ni Tita Rose na sila muna ang mag-aasikaso dahil may kailangan pang puntahan ang dalaga. Pero hindi niya iyon inaasahan na may sabihin nitong gusto siya nito. Ang hirap paniw

