CRUISHA MARTINEZ Pinameywangan niya ito at hindi makapaniwalang nakatitig kay Craig na ang laki ng ngisi sa labi. Nang matapos niya itong pukpukin sa ulo gamit ang isang carton roll ay lalong tumaas ang dugo niya dahil sa ginawa nito. Bigla ba naman itong sumigaw na ‘YES! GIRLFRIEND NA NIYA AKO!’ . Hindi na siya naka-react dahil narinig na lang niyang may impit na tili at walang iba kung ‘di si Tita Rose at nagsipalakpakan ang mga tao sa loob ng restaurant. Diba? Sino pa ang aangal kung nandito si Tita Rose na sobrang saya. Bago niya iwan ang binata ay binantaan na niya ito ng tingin, pero hindi man lang ito apektado sa kanyang ginawa. Ang sarap burahin ng napakalaki nitong ngiti sa labi. Kapag makawala siya kay Tita ay kakausapin niya ang binata para matapos ang kalokohan nito at sabi

