CRUISHA MARTINEZ Hindi alam ni Cruisha kung paano niya pakikitunguan si Craig dahil halatang naiinis ito sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang nangyayari rito dahil pagkalabas niya ng bahay ni Crit ay nakita niya lang itong namumula na ang mukha na para bang papatay na ng tao. Kanina pa niya ito kinakausap, pero hindi man lang siya nito pinansin. Para bang nagbibingihan lang ito sa kanya at ayaw lang talaga siya nitong pansinin. Nakatutok pa rin kasi ang atensyon nito sa daan at napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa manibela. Pansin niyang humihigpit ang pagkakahawak nito sa manibela at malinaw na malinaw sa dalawang mata niya na namumugto ang ugat nito sa kamay. Hinawakan niya ang kamay nito para pakalmahin ang binata. "Bakit ka nagkaganyan, Craig? May nagawa ba akon

