CRAIG VELEZ “Good afternoon, Sir Craig,” bati sa kanya ng bodyguard ni Rough. “Good afternoon too. Saan sila?” Pagpasok niya sa loob ng bahay ay agad na hinahanap ng kanyang mga mata ang dalawa. “Nasa CCTV Room po. Kanina ka pa nila hinihintay.” Tumango siya at nagpasalamat siya rito. Sumaludo naman ito sa kanya at siya naman ay sumaludo na rin. Iniwan na rin niya ito at pumunta na sa isang silid kung saan ang mga ito. Halos isang linggo rin paghahanap ng ibang mga bumili ng mask at buti na lang natagpuan na nila kung sino ang mga ito. Hindi pa niya alam kung sino o nakita kung sinu-sino sila. Sabi sa kanya ni Trail ay huwag siyang magulat dahil malapit sa babaeng gusto niya. Iyon ang pinagtataka niya. Si Carlos ba? Napakuyom ang kanyang kamao, maghaharap sila ni Carlos at malapit na

