CRUISHA MARTINEZ Pagkarating niya sa hospital ay sumalubong sa kanya ang mga taong may bitbit na iilang box na nakapangalan kay Papa. Nagtataka siya kung sino ang mga ito at kung bakit bitbit ang mga gamit ng kanyang ama. Kaya nagmamadali siyang pumunta sa office nito upang tingnan kung ano ang kaguluhan ang nangyayari. Muntik na siyang makabangga dahil sa pagmamadali niya para makapunta lang sa office. Napahinga siya ng malalim bago siya pumasok sa opisina ng kanyang ama. Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sa kanyang harapan ang nakangiting abogado at iyon ay walang iba kung 'di si Attorney Montale. Ito na ang katotohanan na hindi na talaga sa kanila itong hospital. Siguro, dapat na niyang tanggapin na hindi na hindi na niya makakamit ang gusto niya. Nakangiting naglalakad ito papalap

