CRUISHA MARTINEZ Pagdating nila sa condo nito ay agad siya nitong niyaya sa kusina. Iinitin lang nito ang dinala ng katiwala nito at siya naman ay walang ginawa kung ‘di hayaan na lang dahil ayaw naman nitong tutulong siya. Akala ba niya ay ipagluto siya? Iyon naman pala'y ang katiwala nito ang magluluto. Kumibit na lang siya at umupo siya stool. Tinukod niya kaagad ang kanyang siko sa marble na mesa. Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya makalimutan ang sinabi ng kanyang ama na lumayo siya rito. Tinanong niya ito kung bakit, sinabi lang nito na layuan niya ang binata dahil hindi magandang ehemplo si Craig. FLASHBACK Tahimik silang kumakain at walang kahit na sinong nagbabalak na magsalita. Inimbetahan siya nitong kumain sa resthouse nila sa Tondo. Oo, may rest house sila rito

