CRUISHA MARTINEZ Nagising na lang si Cruisha nang maramdaman niya ang mumunting halik sa kanyang balikat at pagyakap sa kanya mula sa likuran. Napangiti na lang siya nang maramdaman niya ang gising na gising nitong pagkalalak* o talagang malaki lang talaga ang sandata nito?. Hay, naku! Morning hood nga naman. “Pakibabaan ang sandata, Craig. Ang aga-aga, nakikipaglaban na naman,” sita niya rito. Napahalakhak ito at mas lalo pang idiniin ang pagkalalak* nito sa puwetan niya. Napailing na lang siyang humarap sa binata at humalik sa labi nito. Kumislap ang mga matang napatitig sa kanya at sumilay ang ngiti nito sa mga labi. Makalaunan ay napakunot ang noo niya nang makitang bihis na bihis ito. “Papasok ka na sa trabaho?” Umiling ito at ngumiti sa kanya. Iyong ngiting hindi abot sa mga m

