CRAIG VELEZ Pagdating niya sa restaurant na sinasabi nito ay agad niyang tinanong ang waitress kung saan nakaupo si Dr. Martinez at hinatid nga siya nito sa VIP Room ng restaurant. Nagtungo sila sa kanang bahagi ng gusali at huminto sila sa tapat ng isang ginto na pintuan. Pagbukas niya ay nadatnan niya ang doktor na parang naiinip na sa inuupuan nito. Agad na napahigpit ang hawak niyang folder na nasa kamay niya ngayon. Itong gabing ito ay ang araw na ipahayag ang katotohanan at alamin kung ano ang totoo. “I’m glad you called me, Dr. Martinez,” walang kangiti-ngiting nakipagkamay siya kay Dr. Martinez. “I just want to ask you something, and I was curious about something. Have a sit.” seryosong sabi nito sabay turo sa katapat nitong upuan. Umangat ang gilid ng kanyang lab

