CRUISHA MARTINEZ Napakunot ang noo niya at nagtataka sa kinikilos ni Craig. Kanina pa ito hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Palakad-lakad sa harapan niya at sumasakit na ang kanyang ulo dahil sa binata. Kanina pa ito balisa at ramdam niyang may bumabagabag sa isipan nito. Basta na lang kasi siyang sinabihan nito na magbihis siya dahil may kailangan daw silang puntahan at hindi na siya nagtanong kung bakit. May tiwala naman siya rito kung saan siya nito dadalhin. Nandito sila sa loob ng villa kung saan nandito sila sa isang resort ni Ramm Scott. Matalik na kaibigan ito ni Craig. “Pwede ba, Craig? Umupo ka muna, kanina pa ako nahihilo sa ginagawa mo,” asik niyang sabi rito. Huminto ito sa palakad-lakad at tumingin sa kanya. Tinapik niya ang katabi niyang inuupuan. Ngumiti ito at tuma

