AN HOUR AGO (BEFORE THE ENGAGEMENT OFFICIAL) CRAIG VELEZ Wala siya sa mood na napatitig sa mga kaibigan niya na mukhang may saltik. Kanina pa siya naiinis sa pagmumukha ng mga ito na para bang may gagawing hindi kanais-nais. Ang sarap ngang bangasan ang pagmumukha ni Ken dahil sa ngiting mapang-asar at sinamahan pa ng walong ugok na narito─ Wayne, Zeo, Ken, Ramm, Spencer, Rough, Trail at Augie. Naalala na naman niya kung paano siya dinala ng mga kaibigan niya. FLASHBACK Matapos niyang magpaalam kay Cruisha ay agad siyang tumungo sa restaurant kung saan nandoon gaganapin ang engagement nila. Gusto niyang maging official ang lahat at malaman ng publiko na ikakasal na siya sa pinakamamahal niyang nobya. Papaliko na sana siya nang bigla na lang may humila sa kanya at tinakpan

