CRUISHA MARTINEZ Napatitig siya sa kanyang pamangkin na nasa bisig niya. Tulog ito at hinayaan na lang niyang makatulog ito sa dibdib niya. Napaka-cute talaga nito at ang sarap panggigilan ang matambok nitong pisngi kaya hinaplos na lang niya ang pisngi nito. Napaungot ito at nakita na lang niya na nagmulat ito ng mga mata. Titig na titig ito sa kanya na para bang tinatandaan nito ang pagmumukha niya. Inabot nito ang kanyang mukha at ngumiti ito sa kanya. May mainit na humaplos sa kanyang puso sa kanyang nakita. “Ang gwapo mo talaga kahit kailan, Elijah. Kamukhang-kamukha mo si kuya. Buti na lang nagmana ka sa tatay at hindi sa’yong ina.” Sinundot niya ang matambok nitong pisngi at napahagikhik naman ito sa ginawa niya. Nakatanaw siya sa malawak na karagatan at napangiti na lang nang ma

