CRUISHA MARTINEZ “Hija, aalis ka na? Hindi ka na ba kakain ng agahan?” bungad na tanong sa kanya ni Manang nang madatnan siya nitong papalabas na ng bahay. Napatingin siya sa kanyang relo at napahinga ng malalim. Napakamot siya sa kanyang ulo at tipid na ngumiti kay Manang. Umiling siya sa mayordoma nila. “Gusto ko sanang kumain, Manang Ysay, kaya lang mahuhuli na ako sa trabaho.” “Teka, ipagbaon kita ng pagkain mo para doon ka na sa hospital kakain. Mabilis lang ito.” Wala na siyang nagawa dahil mabilis na itong umalis para ipaghanda siya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng bahay nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Nakita niya ang kanyang kapatid na nasa pangalawang palapag ng bahay na nakatitig sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimut

