Pansin na pansin ni Robin ang kawalan ng gana ni Aldous habang ginagawa nila ang last minute rehearsal. He knew it was his fault. Napailing-iling na lang tuloy siya nang sermunan ito ng floor director. Aldous, on the other hand, apologized and excused himself. Gagamit lang daw muna ito ng toilet. "Make it quick!" tugon naman ng direktor saka sila binigyan ng kaunting break. Niyaya siya ni Logan na magpunta sa greenroom para magpahinga saglit. Pagpasok nila doon, nadatnan nilang walang tao. Suddenly, Logan kissed his left cheek. Pinandilatan niya ito. "Ano ba?" "Oh? Wala namang tao. Kalma lang." "Baka may sumilip!" "Alam ko. Kaya nga binilisan ko lang, di ba?" Inirapan niya ito. Ginulo naman ni Logan ang buhok niya. "Sungit mo na naman. Parang di mo ako manliligaw, ha?" Bumuntong

