Logan was praised by their handler. Tama raw ang sinabi nito dahil paniguradong maraming kinilig sa kanila. Pagkatapos niyon, pinaalalahanan sila nito na maging active na rin sa paglalandian sa social media accounts nila, Robin especially. Masyado raw itong in-active. "Di po talaga ako mahilig sa socmed," depensa naman niya. "You don't have to be online always, Robin. And for your content, pwede ka namang mag-comment-comment lang sa posts ni Logan. O kaya, myday picture ninyong dalawa. Thrice a week is enough. Most work, kay Logan pa rin naman dahil siya ang may showy na character sa inyo." Tango na lamang ang sinagot niya. Reminder naman para sa shooting nila bukas ang sumunod. Sa Wednesday ang unang araw nila, to be taken at a retreat house in Batangas. Tatlong araw silang mags-stay

