"Ang bilis ng panahon, ano?" Naudlot ang pag-iisip ni Robin saka napatingin kay Logan na katabi niyang nakaupo sa may pool area. "Ha?" "Sabi ko, ang bilis ng panahon." Umiling-iling ito. "Ikaw, absent-minded ka. Ano na naman bang iniisip mo?" Pinitik nito ang noo niya, making him frown. "Wala. Napapaisip lang ako kung ano nang mangyayari pagkatapos ng project na to." Nasa isang private resort sila para i-shoot ang isa sa fan favorite scene ng libro -- the Truth or Dare scene. Bale ang mangyayari ay ide-dare si Kean na halikan ang lalaking magugustuhan nito kung babae siya. He chose Benjamin, at kinasama iyon ng loob ng noon ay may tama nang si Luigi kaya hinila siya nito at hinalikan sa harapan ng mga kasama nila. Robin and Logan were waiting at the pool. Naudlot kasi ang shooting dah

