Isang linggo na ang nakakalipas mula nang umuwi Robin mula sa Disneyland. That also meant, isang linggo na ring hindi nagpaparamdam sa kanya si Aldous. Chrom, please stop ignoring me, isip niya habang nakatingin sa message niya rito sa Messenger. Isang linggo na rin iyon pero ni hindi pa rin nasi-seen. Sinubukan din niya itong tawagan pero parating cannot be reached o unattended. Sa inis niya, naibato niya ang phone sa kama at marahas na napakamot ng ulo. Sigurado siyang hindi siya nito pinapansin dahil sa biglang pagsulpot ni Logan. Malamang, nakita ni Aldous ang live nito sa i********:. Hindi mo man lang ba ako hahayaang magpaliwanag talaga? Gusto niyang maiyak. Seryoso lang, nakakapagod na, Aldous. Lagi na lang pagseselos ang pinapairal mo. Nagulantang siya nang marinig ang ringtone

