The following morning, naalimpungatan si Robin dahil may humahaplos sa mukha niya. He groaned and rubbed his eyes. Mukha ni Aldous ang bumungad sa kanya. "Nagising ba kita?" tanong nito matapos siyang batiin ng magandang umaga. But he didn't say anything. Inaantok pa kasi siya, kaya pumikit na lamang siya. Before his consciousness drifted away, narinig pa niyang tumawa nang mahina si Aldous. Naramdaman din niyang niyapos siya nito at hinagkan sa noo. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog ulit. Basta naramdaman na lamang niyang may nakatitig sa kanya. Si Aldous siguro, naisip niya habang pilit na nilalabanan ang antok at inaantay na magising nang tuluyan ang diwa. Nag-inat pa siya bago dumilat. At noon lang niya napagtantong hindi pala si Aldous iyon. May batang lalaking n

