"Bakit hindi Chrom ang pinili mong screen name?" maya-maya'y tanong na lang ni Robin para basagin ang katahimikan sa pagitan nila ni Aldous. Bumibiyahe na sila noon pabalik ng Metro Manila. Napatingin saglit ang lalaki sa kanya. "Bakit mo natanong?" "Wala lang. Parang mas gusto ko kasi pakinggan ang Chrom kesa Aldous. Saka di ba, Chrom din ang tawag sa iyo sa bahay?" "Ah." Tumango-tango ito. "You are free to call me Chrom if you want. No, actually, mas okay siguro kung Chrom na lang ang itawag mo sa akin." "Actually, I'm about to propose that. I like Chrom, anyway. Kaso baka kasi exclusive lang iyon sa mga taong espesyal sa iyo." "And you think you are not, Robin?" Inabot nito ang kamay niya saka iyon hinagkan. "Aside from anyone in my family, ikaw ang pinakauna kong gusto kong tumawa

