Chapter 2

2034 Words
Napatigil sa pagtitipa si Robin nang marinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Kuya Robin? Nand'yan si Kuya Logan." It was Aliyah, his younger sister. "What?" wala sa loob na bulalas niya saka napatingin ng oras sa laptop niya. It was past eight p.m. already. "Bakit daw?" "Sinusundo ka niya. May usapan daw kayo." "Oh come on?" Napakamot siya ng ulo. It's been a while nang huling beses siyang ganahang magsulat. Sobrang busy kasi niya recently kaya wala na siyang oras para dito. Akmang mangangatwiran sana siya nang biglang kumalabog ang pinto. "Robin! Hoy, sira-ulo ka, ha? Talk s**t!" It was Logan. "Usapan natin, gagala tayo." Malakas niyang napalo ang noo. Tapos, padabog siyang tumayo at pinagbuksan ang lalaki. "Dude, come on, ang usapan natin five tayo aalis pero nawala ka naman bigla," bungad niya sa lalaki. He noticed na bago na ang suot nito: simpleng muscle shirt na kulay gray at jeans. Yet hindi maipagkakailang ang tikas tingnan nito sa suot, especially with his wet hair. Napakamot ito. "May... pinuntahan lang ako," mahinang sabi nito. It gave Robin an impression na may kalokohan itong ginawa. "Anyway," pagpapatuloy nito, "kaya nga ako nandito at sinusundo ka." "Dude, it's past eight already." "So?" "Ano'ng 'so'? Gabi na!" "Dalaga ka ba para bawal gabihin? Saka maaga pa ang eight. Tamang oras lang iyan para kumain ng hapunan." "Nakakain na ako. And in case you haven't realized it, matutulog na ako maya-mayang konti." Sumenyas siya na tingnan nito ang suot niyang oversized shirt at jogging pants. "E di magpalit ka. Ito naman." Pumasok ito sa kwarto niya at lumapit sa closet niya. "Hoy, sinong nagbigay sa iyo ng permisong galawin ang mga gamit ko?" sita niya nang simulan nitong kalkalin ang gamit niya. Lalapitan sana niya ito pero narinig niyang humagikhik si Aliyah. Pinandilatan niya ito ng mga mata sabay sabing, "Get lost, Aliyah." "Ay, grabe si Kuya Robin!" nandidilat ang mga matang reklamo nito. "Parang hindi mo ako kapatid." "Exactly. Kapatid kita. Alam ko iniisip mo." "Ano naman iyon?" hirit ni Logan. Sabay silang napatingin ng kapatid niya sa lalaki. He said, "Wala!" while Aliyah blurted, "Bagay kayo ni Kuya Robin! Ayiiie." He hissed at his sister. "Shut up!" Biglang tumawa nang malakas ang kapatid niya saka kinilig. Then, Logan said, "I know. Bagay na bagay kaming love team diba?" Before Robin realized it, this six-foot monster was standing beside him already. Hinawakan pa nito ang baba niya at pinaharap dito para magsalubong ang tingin niya. "Right, baby?" sabi nito sa husky na tono. Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Napasinghap tuloy siya. Then, he stiffened without realizing it. Muli na namang kinilig si Aliyah. Hinampas pa nga nito nang malakas ang likod niya. "Kuya, kinikilig ako sa inyo, ano ba!" Logan laughed loudly. "What can you say, Aliyah? Tingin mo ba, papatok ang love team namin kahit parehong lalaki?" "Oo naman! Saka, duh, it's 21st century already! Tama na ang backward mentality. And di naman hamak na mas marami kaming supporters ng LGBT love team, no?" "Good! Ibida mo kami sa mga kaklase mo, ha?" "Makakaasa ka d'yan, Kuya Logan." At nag-apir ang dalawa. Meanwhile, humalukipkip si Robin. Pang-asar kasi talaga ang kapatid niya. So yeah, it wasn't surprising na nakakasundo nito ang impakto niyang on-screen partner. May ilan pang bagay na pinag-usapan ang dalawa bago muling ibinalik ang atensyon sa kanya. "Anyway, Robin, ito na, magpalit ka na." Inabot ni Logan ang pinili itong puting v-neck at itim na khaki shirt. "Dalian mo, ha? Gutom na ako." "Dude, ayoko nang lumabas. Kung gusto mong may kasama, yung ibang friend mo na lang. O kaya iyan." Nginusuan niya ang kapatid. "Tutal ang sarap namang pagbuhulin ng bituka ninyong dalawa." "Grabe si Kuya," hirit ni Aliyah. Samantalang, kumontra si Logan. "Naaaah. Sabi ko nga, ikaw ang gusto kong kasama hindi ba?" "At bakit nga ako?" "Kasi ikaw!" Hinawakan nito ang kamay niya. "Ikaw ang gusto kong kasama. Mahirap bang intindihin iyon." Aliyah giggled again. Malakas niyang pinalo ang kamay nito. "Ewan ko sa iyo." Tapos, tinulak niya ang dalawa palabas ng kwarto. "Magbibihis na ako." "Dalian mo, ha?" paalala ni Logan. "Oo na!" Then, sinasaraduhan niya ito ng pinto. - "Bakit ba galit na galit ka na naman?" Nakataas ang kilay na hinarap ni Robin si Logan. "Tingin mo bakit?" pang-ookray niya. Kakatapos lang nilang umorder ng unlimited samgyeopsal at hinihintay lang nilang i-serve iyon. "Ito kamo, napaka-KJ." Ngumuso pa si Logan. "Minsan lang tayo mag-date tapos masama pa loob mo. Libre ko naman." "First of all, palitan mo nga ang term mo. Ang awkward. Pangalawa, gaano kadalas ang minsan? Parang linggo-linggo mo naman yata akong kinakaladkad." Napaikot siya ng mga mata. "Minsan na nga lang ako makapagsulat, bubulabugin pa ako." "Nagsusulat ka ba kanina?" Saktong sinerve na sa kanila ang pagkain. "Ay malamang. Di mo ba nakitang nakabukas yung laptop ko?" Muli niya itong inirapan. It pissed him off kasi siya ang tipo ng writer na mabilis makalimutan ang ideya. Kaya importante sa kanyang isulat iyon agad. "Ay ganon ba? Sana sinabi mo." "Paano ko sasabihin e nag-iskandalo ka agad sa bahay. Wala namang palayasin kita." "Okay, sorry na. Okay? Sorry na." Napakamot ito ng ulo. "Alam mo, mas masarap siguro kung samahan natin ng alak ito." Hinarap nito ang waiter. "Anim na SanMig Light din pala. Tatlong flavored at mahina ang kasama ko." Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Ayokong uminom!" "Sige na, Kuya. Okay na iyan. Tatlong plain, tatlong flavored." Kulang na lang, itulak ni Logan ang waiter paalis. "Oh bakit ang sama na naman ng tingin mo?" reklamo nito nang mapansing pinanlilisikan niya ito ng mga mata. "Pwede bang magtanong ka nga muna sa akin bago ka gumawang desisyon? Bingo ka na sa akin, ha?" "Ikaw naman kasi, napaka-KJ mo. Alak lang naman iyon." "Alak lang. Parang hindi ka magda-drive." "Excuse me, hindi ako madaling malasing. Saka light lang naman iyon." Sinimulan na ni Logan ilagay ang karne sa grill. "Ewan ko sa iyo. Kapag ikaw nalasing, magta-taxi ako at pababayaan kita." - Ilang sandali ang lumipas at nakakaramdam na ng hilo si Robin. Kunot-noong tiningnan niya ang baso kung saan isinalin ni Logan ang alak. Halos ubos na iyon, siguro one-fourth na lang ang natitira. And he hadn't had it refilled. Bakit ba kasi tinanggap ko ito? Gusto niyang magsisi. Noon pa man, alam na niyang sobrang baba ng tolerance niya sa alak. Minasa-masahe niya ang sentido habang pinapanood si Logan na kumain. He didn't know why but he suddenly found it satisfying to watch his friend devour the grilled meat. Maganang-magana kasi itong kumain, and he could see he was enjoying it. Bigla silang nagkasalubong ng tingin. Agad naman siyang napaiwas. Nilunok muna ni Logan ang nginunguya bago nagsalita. "So, Robin, anong sinusulat mo ngayon?" "Ha?" "Di ba, sabi mo, nagsusulat ka kanina?" "Ah... wala naman. It's just a random scene that popped in my head earlier. Wala pa talagang plot iyon." "Gay fiction ba ulit?" Natigilan siya pero tumango rin matapos ang ilang sandali. "Yeah, iyon kasi ang in-demand ngayon. And I'm an LGBT supporter, too, kaya gusto ko ring magsulat ng ganoong libro." Lies, sigaw ng isip niya. You write gay fiction kasi mas nakaka-relate ka at mas feel mong gawin kesa sa straight romance. Tumango-tango si Logan. "Pero iyon lang ba talaga ang dahilan, Robin?" Muli na naman siyang natigilan. "Ha? What do you mean?" Nagkibit-balikat ito. "Di kaya kabilang ka din sa kanila?" Then, he suddenly smirked. Napamaang siya. Without realizing it, tension suddenly built up. Unti-unting napawi ang kulay ng mukha niya. And his hands were trembling. Alam na ng pamilya niyang bakla siya pero hindi pa rin siya kumportable kapag may ibang taong nagtatanong. Then, a distant memory suddenly replayed in his mind. "Robin, umamin ka nga sa kin. May pagkabakla ka ba?" Naputol ang pag-iisip niya nang bigla kurutin ni Logan ang ilong niya. "Hoy, biro lang!" Tumawa ito nang malakas. "Masyado kang seryoso." Kumunot ang noo niya. At lalo pang nalukot ang mukha niya nang maramdamang malagkit ang ilong niya. May grease iyon, galing sa inihaw na karne. "Ano ba, Logan? Kadiri ka naman, ay," reklamo niya saka kumuha ng tissue at pinunasan ang ilong. Tumawa lang si Logan saka iniba ang usapan. "Anyway, kwento ka naman tungkol sa libro mo." "Dude, hindi ka ba nagbabasa ng script? Nandoon na ang kwento. Wala na halos binago doon." The TV series was actually based on Robin's debut book, Mario Luigi: Scandalous Lover. Gay romance iyon na pinublished niya two years ago, and it was a success. Ilang buwan din iyong nasa best-selling list, kaya naman ito at gagawan na ng adaptation. "E di kwento mo na lang paano mo nabuo ang book," sabi ni Logan matapos sumubo. "Paano mo naisip si Luigi? Paano mo naisip si Kean? Paano mo naisip na magkaka-in love-an sila sa isa't isa? Ang astig lang kasi dahil mag-best friend na naging mortal enemy tapos naging best friend ulit tapos lover na sa dulo. Galing mong magtahi ng kwento." Bigla siyang napangiti sa sinabi nito. "Uy napangiti siya. Flattered ba? Ayie." Inirapan niya ito pero sa huli'y pinasalamatan din niya. "Anyway, hmmm... paano ko ba sisimulan?" Napakamot siya ng ulo. Pinag-isipan niya kung dapat ba niyang ikwento kay Logan ang inspirasyon ng libro niya. "Let's just say may kagalit ako that time at gusto kong ilabas ang galit ko sa kanya through writing." Saglit na napaisip si Logan. "Wait, so base sa totoong buhay itong novel mo? Nagkagalit kayo tapos nagkabati ulit tapos bigla siyang nag-confess?" Umiling siya. To be honest, isa ito sa dahilan kung bakit siya nag-aalangang magkwento. Ayaw kasi niyang may maka-misinterpret.  "Hindi. Ang sinasabi ko lang ay nag-start lang galit na galit ako sa kanya. Iyon lang. Pero wala talagang plot iyon. Sinulat ko lang ang gusto kong gawin." "Aaah, I see." Tumango-tango si Logan. "So kaya pala mayroong eksenang hinataw ni Kean si Luigi ng arnis?" The scene happened while Kean and Benjamin where taking pictures in front of a fish pond. Biglang lumitaw si Luigi at pinasaringan si Kean. Noong una, hindi lang pinapansin ni Kean pero bigla siyang kwinelyuhan ng dating best friend. Saktong dala rin niya ang eskrima stick noon kaya hinataw niya ito. Tumango siya. "Yeah." "Ang epic ng eksena na iyon, Robin. Kasi si Kean, napakaliit. Si Luigi, napakalaki. Tapos ang ending, si Luigi ang talo." Napailing-iling ito. "Parang na-excite akong ma-shoot ang eksena na iyon, ha?" "Ako rin e." Tapos, bigla siyang ngumisi siya. "Na-excite akong bugbugin ka." Bigla itong napitlag. "Grabe? Wag naman. Baka maya-maya, totohanin mo ha?" "Pwede naman. Kung hindi mo ako titigilan sa pang-aalaska mo." "Nang-aalaska agad? Di ba pwedeng pinagtri-tripan ka lang?" Napaikot siya ng mga mata. "Ewan ko sa iyo. Pero sa totoo lang kasi, nakakainis ka. Sarap mong balatan." "O, kalma. Ito naman, binibiro lang. Makibagay ka naman kasi. Wag kang pikon." "Whatever." Nagsalin siya ng beer sa baso niya. Tapos, tinungga niya iyon, dahilan para matigilan. Bakit parang ang pait? He checked the bottle. Flavored beer naman ang kinuha niya. Tinitigan niya ng may halong pagsususpetsa ang lalaki. "What?" nagtatakang tanong nito. "May hinalo ka ba dito?" Natigilan ito. "Ano namang ihahalo ko?" "Aba malay ko! Ang pait e flavored ito?" "Wow naman. Bakit ko naman hahaluan? At nakita mo naman noong sinalin ko, di ba?" Umiling-iling ito. "Grabe ka mambintang ha? Nakakasakit ng puso." He examined him. Logan was a really bad actor... at hindi naman ito mukhang nagkukunwari. Hindi na lang niya pinansin ang nalasahang pait. Sa halip, inubos na lang niya ang alak. Pagkatapos niyan, si Logan naman ang nagkwento. Just some random stuff. Mga previous experience nito sa pag-aartista o kaya ay mga estudyante blue nito. Most of the time, Robin was cringing. Pero tumatawa rin naman siya kapag nakakatawa talaga. And before he realized it, nagiging kumportable na pala siyang kausap ito. At napaparami na rin pala ang inom niya... - Sa kabila ng matinding kirot ng ulong nararamdaman niya, isang malakas na sigaw ni Robin ang bumasag sa katahimikan nang umagang iyon. Kaya pala napakalamig! Natulog siyang walang suot na kahit ano! And he was in an unfamiliar room, too. He checked himself. Kamuntikan siyang mapasigaw muli nang makitang puno ng bite marks ang kanyang dibdib. Nakaramdam din siya ng kirot sa leeg niya, which prompted him to look at the whole body mirror beside the closet. Nang subukan niyang tumayo ay saka naman niya naramdaman ang hapdi sa kanyang pang-upo. Puta, paano nangyari ito? He looked at his left and saw another n***d guy. Muli na naman siyang napasigaw dala ng gulat. What the hell?! He tried to rekindle the event last night. Naparami siya ng inom, which explained the headache. At wala na rin siyang maalala pagkatapos. Not even how he ended up in this bed. Well, that was quite cliche, huh? Except for one thing. The guy, who remained sleeping soundly despite the noise he created earlier, wasn't Logan. It's Aldous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD