There was this feeling that Aldous really hated: an episodic agitation and emptiness. He didn't know why it happened. Basta bigla-bigla na lamang siyang nawawalan ng gana. Worse, he would feel really vulnerable. Na para bang wala siyang karamay.
Sinusubukan naman niya itong ignorahin. Pero mahirap. Not when it was demanding for his sanity. He tried his best to counter it. Working out helps but not always.
Parang nang araw lang na iyon.
Dalawang oras na ang ginugol niya sa pagwo-workout pero walang epekto. The emptiness was still there. Kaya nang umuwi siya sa condo unit niya, nagdesisyon siyang huwag na munang umuwi ng Batangas. Mahirap na at baka kung ano pa ang gawin niya. Mainam pang itulog na lamang niya ito.
He called his mom to tell her about his decision. Pero katwiran niya, masyado lang siyang napagod. Well, his mother doesn't know about his condition anyway. He had no intention of telling her, too. Ayaw niyang mag-aalala ito.
"Ganoon ba? Mabuti pa nga at magpahinga ka na lang muna. You sound really tired. Baka naman masyado mong ino-overwork ang sarili mo, ha? Wag ganoon," paalala nito sa kanya. His mom has always been a worrier, kaya mahilig itong magpaalala.
"Hindi naman, Ma. I'm just busy. Alam mo naman, may new big project ako. And by the way, please explain this to Clark. Baka magtampo na naman sa akin." Clarkson is his younger brother. Fifteen years ang tanda niya rito yet they were so close. Napaka-clingy nga nito sa kanya.
His mom laughed. "Kanina pa nga tanong nang tanong kung nand'yan ka na raw. Gusto raw niyang ipakita sa iyo ang new painting niya."
"Tell him, uuwi naman ako bukas. Pagod lang talaga ako."
"Oh sige. Kumain ka na ba?"
"Yeah. Take out lang."
"Hay nako. Hindi iyan maganda. You should cook for yourself."
"Wala akong time, Ma. And uuwi naman ako bukas until Sunday. Magpapakabusog ako sa luto mo. Miss ko na mga pagkain dyan sa bahay."
"Tamang-tama iyan. Nasa mood ako magluto nitong mga nakakaraang araw."
He didn't get a chance to reply dahil humikab siya.
"Mainam pang matulog ka na," sabi ng mama niya. "Magpahinga mabuti. Good night, Chrom."
He was taken aback. It really feels weird whenever someone calls him with that name. Weird in a good way. Dahil pakiramdam niya, kilalang-kilala siya ng taong ito. It's like that person and he has a special connection that is so hard to rupture.
"Of course, Ma. Good night. Love you."
"Love you, too, anak." Binaba na nito ang tawag.
Nilapag ni Aldous ang phone niya sa night stand saka tumingin sa kisame. It was past eleven.
Papikit na siya nang biglang nag-ring muli ang kanyang phone. When he checked it, si Logan ang tumatawag.
Ano kayang kailangan nito? Sinagot niya ang tawag. "Oy, p're, bakit?"
"Nakauwi ka na ba ng Batangas?"
"Hindi pa. Hindi na muna ako umuwi. Masyado akong napagod sa workout."
"Uy, tamang-tama pala. P're, favor naman, oh? Sige na. Minsan lang naman ito."
"Ano ba iyon?"
"Pwede bang tulungan mo ako dito kay Robin?"
Natigilan siya. Wala rin sa loob na napabangon. "Ha? Bakit?"
There was a short silence. "Nalasing kasi. Hindi ko alam ang gagawin dito."
"What? Bakit mo nilasing?"
"It's not my fault! Ang lakas uminom."
He doubted that. Minsan na niyang nakasama si Robin sa walwalan. Mahina ito uminom. Hindi nga ito nakakaubos ng isang bote. Hinala tuloy niya, pinilit ito ni Logan.
Napailing-iling siya. Sabi ko naman sa kanya, dapat tumanggi siya kung ayaw niya.
Noong nalaman ni Aldous na hindi talaga gusto ni Robin na mag-artista at napilit lang ito ni Direk na gampanan ang role ni Kean, napagtanto agad niyang napaka-passive nitong tao. Lalo niyang napatunayan iyon nang mapansin niyang ang dalas nitong magpauto kay Logan kahit halatang ayaw naman talaga.
"Oh, sige. Ano bang gagawin ko? Ano bang maitutulong ko?" sabi niya matapos mag-isip.
"Samahan mo lang ako na iuwi sa kanila. Feeling ko kasi, mapapagalitan ako ng mama niya. Paalam ko kasi sa kanya, magdi-dinner lang kami." Marami pang sinabi si Logan pero hindi na niya pinakinggan dahil wala rin siya sa mood.
"Okay, sige. Saan ba kayo ngayon?"
Sinabi ni Logan ang address ng isang Korean restaurant na hindi kalayuan sa unit niya.
"Sige. Hintayin mo lang ako." Binaba na niya ang tawag saka tumayo para magbihis.
Dahil malapit lang naman, minabuti na lamang niyang takbuhin. Siguro naman, ihahatid naman siya ni Logan kapag naiuwi na nila si Robin.
Kaso, tinamaan ng magaling.
Saktong pagkarating niya, nag-text si Logan na may emergency raw kaya kinailangan nitong umalis agad. Iniwan nito si Robin sa restaurant! Ibinilin naman daw nito sa guard na papunta siya para manundo. Kilala naman daw siya nito, palibhasa'y artista siya.
Nang sandaling iyon, gusto niyang manapak. Sa totoo lang, matagal na siyang naiirita kay Logan. Nagtitimpi lang talaga siya dahil ayaw niya ng g**o. But now, he got more reason to dislike him. Hindi tama ang ginawa nito kay Robin!
But now wasn't the time for that. Paano niya iuuwi si Robin? Hindi niya alam ang bahay nito.
Sinubukan niya itong gisingin. "Robin?" sabi pa niya habang tinatapik-tapik ang pisngi nito. Nakahiga ito sa pinagdugtong-dugtong na upuan.
Robin moaned. Tinapik pa nito ang kamay niya saka tumagilid.
He sighed. Tapos, tinawagan niya si Logan. Cannot be reached ang lalaki!
Kulang na lang, ibato niya ang phone sa sobrang inis.
"Talaga naman, Logan! Hindi ka nag-iisip!" Napailing-iling na lang siya habang sapo-sapo ang noo. "Lalasingin mo yung tao tapos hindi mo naman aasikasuhin."
Muli siyang napabuga ng hangin. Ano pa bang choice niya bukod sa iuwi ito?
Pinangko na lamang niya ito hanggang makarating siya sa unit niya. Thankfully, Robin wasn't heavy. Bukod sa hindi ito biniyayaan ng height, maliit din ang frame nito. Pakiramdam nga niya'y wala pa itong sixty kilos. Wala pa iyon sa kalahati ng kanyang ini-squat.
Inihiga niya ang kaibigan sa sofa.
"See? You should have listened to me, Robin," pangaral niya sa natutulog na lalaki. "Next time, huwag ka nang sumama sa lalaking iyon, ha? Lalo na kung ikaw lang mag-isa. Sakit lang ng ulo ang dulot no'n." Napailing-iling siya.
Pagkatapos, inayusan niya ito. Kumuha siya ng planggana at bimpo para punasan ito. Nagdala na rin siya ng isang shirt na pwedeng ipagamit dito.
While doing so, hindi niya maiwasan ang titigan ang mukha nito.
He hates to admit it but he really thought Robin is cute. He has a downturned eyes, cute button nose and a pair of red lips. Dumapo ang kamay ni Aldous sa matambok nitong pisngi. Robin tends to have a deathly glare when he's pissed off, and a cheeky smile when he's happy. Either way, it was really captivating.
Pumikit siya at agad na rumehistro sa isip niya ang ngiti nito. There was something magical about it. Para bang napapawi ang hinanakit niya kapag nakikita niya ang mga ngiti nito. It was warm and innocent. Genuine. Contagious. And addicting. He could stare at him all day long and would not get tired of it.
Naputol ang pag-iisip niya nang biglang umungol si Robin. Nang idilat niya ang mga mata'y nakita niyang nakatitig ito. Robin seemed to be confused as if trying to figure out who was he. Epekto siguro ng alak.
"Aldous?" narinig niyang sabi nito. Inabot nito ang mukha niya saka kinapa. "Ikaw nga. Pero bakit?"
"Ah, tinawagan ako kanina ni Logan. Iniwan ka sa akin."
Biglang dumilim ang mukha nito. "Si Logan? Bastos ang hayop na yun! Maaksidente sana siya." Bumangon ito at inalalayan niya ito.
"Wag naman. Masiraan na lang siguro, pero wag maaksidente." Even when Robin was frowning, Aldous could still feel the spark. Ang cute pa rin nito. Parang galit na kuting ang itsura.
"Basta! I hate him. Hmp!"
Napailing-iling na lamang siya with his lips slowly forming into a delightful line.
Nagpatuloy sa pagra-rant si Robin na parang bata, and Aldous didn't dare to interrupt him.
"Tapos ito naman si Aliyah, shini-ship daw kami? Yuck. Please lang, I like someone else—" Natigilan ito.
Samantalang, napatigil din si Aldous sa pag-aalis ng damit nito dahil sa sinabi ni Robin na may gusto itong iba.
Then, Robin spoke, "Bakit mo ako hinuhubaran?", while he asked, "Sinong nagugustuhan mo?"
Robin suddenly blushed. "What? Nakakahiya naman."
"Bakit ka naman mahihiya sa akin? Magkaibigan naman tayo?" It's not common for Aldous to be this pushy pero talagang na-curious siya. His chest even trampled in anticipation.
"Gusto mo malaman?"
"Yes."
"Pikit ka muna."
Naguluhan siya sa sinabi nito. "Ha?"
"Dali na! Pikit ka."
"O...kay." Dahan-dahan niyang isinara ang mga mata. "So, sino—"
And then he felt it...
Mabilis siyang napadilat saka kinapa ang kaliwang pisngi. Did Robin just smack his lips on it?
He was able to confirm that thought when Robin giggled and said, "Kilala mo na kung sino?".
His gaze widened. "Ako?"
Tumango ito. "You! As in, ikaw, Aldous Fortaleja." Bigla nitong tinakpan ang mukha. "s**t, nahiya ako bigla."
He froze, trying to analyze it. No, naintindihan niya ang sinabi ni Robin. But it took him a while to accept that he really said that.
Kasabay din niyon ay tinanggap na rin niya kung ano ang nararamdaman kay Robin. That right from the start, attracted siya dito!
Naramdaman niya ang unti-unting paglawak ng ngiti niya. Napayuko siya at napailing-iling.
God, what is this? This was wrong, but it felt really good.
Muli niyang ibinaling ang tingin sa lalaki. Tapos, hinawakan niya ang mga kamay nito upang alisin iyon. Sa una nga'y nagmatigas pa si Robin. Nahihiya raw ito sa kanya.
"It's fine, Robin. We're mutual." Inilapit niya ang bibig sa tenga nito saka bumulong ng, "Crush din kita."
Natigilan naman ito saka unti-unting inalis ang kamay sa mukha nito. "Talaga?"
Tumango siya. "Yeah. Simula pa sa una."
Then, it appeared again, the smile that he really loved. "Really?"
"Of course. Do you want me to prove it?"
"Paano?"
Hinawakan niya ang baba nito saka siniil ng halik ang labi nito. And that kiss deepened. And he lost his mind.
The next thing he knew, they were in his bed. Nasa ibabaw siya nito. And he was penetrating him while Robin cried in pain. Ilang beses siyang tumigil dahil ayaw niyang masaktan ito. But Robin would beg him not to stop. Paulit-ulit nitong sinasabing gusto siya nito. And that he could have him all night long.
"I really want you, Aldous," sabi pa nito habang nilalamas nito ang dibdib niya. "I'm yours tonight. And forever, if you want."
The way Robin said it was full of sincerity. Na parang sinasabi nitong hindi siya nito iiwan. Na parang tanggap nito lahat sa kanya. And that was enough to make his heart leaped in joy.
Kaya pinag-igihan niya. He gave all that he could. He gave him a forceful thrust. He licked his body and tickled every sensitive spot he found. He even left a lot of bite marks, so to remind him that this night was real. Para maalala nitong may pinagsamahan silang ganito.
And when they're finally done, he hugged him and kissed his forehead. Robin hugged him back and said, "You're my ideal guy. I wish you're mine, Aldous."
"Yeah, I'm yours now, Robin. Starting tonight."
He thought his night was complete. He thought he already found the reason why he feels empty sometimes. Something was missing — this intimacy. Because right from the start, alam niyang hindi siya straight. And the void in his heart could only be filled with romantic love from his partner.
He looked at Robin's face. Mahimbing na itong natutulog. He decided to do the same, all while thinking of the happy memories they would be sharing tomorrow...
Yet that never came.
The following morning, ginising siya ni Robin. To be honest, he was expecting for some sweet talk.
It didn't happen. Sa halip, sumbat ang bumungad sa kanya.
"Anong nangyari sa ating dalawa kagabi?!".
His mouth was left hanging. "Hindi mo naalala?"
Umiling ito with his eyes hinting confusion.
Noon lang siya nagsimulang mag-panic. Kinuwento niya ang nangyari. Lahat-lahat. Wala siyang iniwan. Pati kung paano sinabi sa kanya ni Robin na siya raw ang ideal boyfriend.
But Robin said he didn't remember anything of it. And that maybe he said all of those dahil lasing siya.
And suddenly, his world shattered.
Tinamaan ng magaling. Pinaasa lang pala siya nito.