CHARDEE Napamulat akong bigla nang namalayan ko na nakatulog pala ako. Agad ako napalingon sa ‘king tabi. Si Sten, wala na siya sa higaan. Oh, God! Napamura ako sa ‘king isip dahil baka sa’n nagpunta iyon? Hindi pa naman alam no’n ang pasikot-sikot dito sa mansyon ng Hacienda. Alangan naman na lumabas iyon? Posible naman na may makakita sa kaniya kapag ginawa niya ‘yon dahil may guwardiya naman sa labas. Agad akong bumangon para hanapin siya. Nasulyapan ko na bukas ang kaniyang bag na nasa upuan lang kaya napaisip ako na she’s somewhere here in the room. Maybe she’s- Agad ko pinutol ang nasa isip ko kaya agad ko tinungo ang banyo at saktong bukas ang ilaw at hindi nakasarado ang pinto dahil nakaawang pa ‘yon. I hold the knob and started to walk in. I’m curious that’s why I need to s

