Gabi na nang makarating sila sa Hacienda Lasner. Nagtaka pa si Sten na wala man lang ibang sinabi ang guwardiya na nakasalubong nila kun’di binati lang sila ni Chardee. Binalewala na lang iyon ni Sten. Pagpasok nila sa loob ng mansyon ay hinanap agad nila sila si butler Jaymi, ang Kuya Jaymi ni Chardee. Mabuti na lamang at nandiyan si Jaymi na kababa lamang ng hagdanan. “Senyorito,” sambit ni butler Jaymi. “Kuya Jaymi!” tawag nito kay Jaymi saka patakbong niyakap ni Chardee ito. Natigilan naman si Jaymi sa inakto sa kaniya ni Chardee. Maliit pa si Chardee nang huling ginawa nito iyon sa kaniya. Longing ba ito ng gano’ng isang araw lang? Napaisip na tanong ni Jaymi. “Kuya Jaymi?” sambit naman ni Sten sa pangalan ni Jaymi. Napadaku ang tingin nito sa likuran ni Chardee. Ngumiti ng malawa

