KABANATA 35 Nagising si Sten sa init na tumatama sa kaniyang pisngi. Init iyon na nagmumula sa bintana ng kuwarto ni Sten. Sumikat na pala ang araw at bandang alas otso na ng umaga. Napaunat pa siya paggising na sinabayan niya ng pag-upo sa kaniyang higaan. Nagpalipat-lipat pa siya ng tingin sa kanan at kaliwang bahagi niya. Naalala nga pala niya na kasama niya ang kababata na natulog kagabi sa kaniyang munting kama. Saan kaya nagpunta ‘yon? Tanong ni Sten sa kaniyang isip. Masarap ang kaniyang naging tulog kung gano’n pero may naalala siya na nakadagan ang kamay ni Chardee sa kaniyang tiyan kaya iyon ang dahilan na hindi siya makakilos at pinilit na lamang ang makatulog. Napamura pa si Sten sa kaniyang isip. Ang lalaking’yon. Grabi ang ginawa niya sa ‘kin! Inis na salita na naman ni Sten

