"Hay, alas tres na pala." Tinanggal na niya sa saksakan ang plantsa at nag-unat unat. Gutom na siya kaya dumiretso siya sa ref at natakam sa cake at donut. Gusto niya sanang kainin iyon ngunit baka magalit ang step-mom niya kaya gumawa na lamang siya ng champorado. "Oh, Paul. Anong ginagawa mo?" "Nagugutom na kasi ako nay. Baka pati si Lelay ay nagugutom na rin." Tugon niya habang naglalagay ng tubig sa kaserola. "Ako na diyan. Gagawa rin ako ng maja blanca. Mabuti pa ay hanapin mo nalang ang kapatid mo. At diba sinabi ko na sa'yo na 'wag ka ng gagawa ng gawaing bahay." "Ang dami niyo po kasing ginagawa. Baka pagod na kayo." Natawa ang kasambahay nila sa tugon niya. Dalawang taon pa lamang ito sa kanila pero unang araw pa lang ay magaan na ang loob niya rito. Nakikita niya rito ang

