Kabanata 3

800 Words
“So nakita mo silang dalawa? Ano namang ginagawa nila doon aber?” “Ano pa nga ba edi nag sapin sapin! Ahahahahaha.” Mula sa loob ng cubicle ay dinig ni Elena ang pag-uusap ng dalawang babae na parehong nag aayos ng sarili sa salamin. Noong una ay hindi niya pa maintindihan ang pinagtatawanan ng dalawa subalit nang napagtanto niya ang topic ng mga ito ay kumulo ang dugo niya. Kumakalat sa buong campus ang balitang ang kanyang kaibigan na si Louisa ay nahuling nakikipagtalik sa isang professor na may katandaan na. Hindi niya pinaniwalaan yon kahit pa maraming video kuno ang kumakalat tungkol dito. Malapit ng matapos ang unang semester sa unang taon niya bilang isang Education student. Kinuha niya ang kursong ito dahil mahilig siyang magturo. Bukod sa pagpipinta ay magaling din siyang mag ingles kaya naman ito ang kinuha niyang major sa kurso niya. Dalawang linggo na ang lumipas mula nang kumalat ang balita tungkol sa roommate niya. Kaibigan niya ito at nasisiguro niyang hindi ito naglilihim sa kanya kahit pa may pagka matahimikin ito. “Tama nga ang hinala ko. Sa likod ng maamong mukha ay nagtatago ang isang higad.” Patuloy nito. “You’re right sis. She’s actually a b*tch. Halatang laspag na pero ang purmahan pang Miss Kabukiran 2010. XL na orange jacket at yellow na saya na hanggang sakong ang suot niya ngayon. The irony diba?” komento naman ng isa sabay tawa. Hanggang sa umalis ang dalawang babae ay hindi pa rin humuhupa ang inis niya. Sa paglipas ng mga araw ay napapansin ni Elena na may nagbabago sa kaibigan niya. Ilang beses na niya itong sinubukang kausapin tungkol sa issue na kumakalat laban sa kaibigan ngunit hindi ito nagbibigay ng direktang sagot. Ni hindi ito nag take ng final exams o baka humingi ng konsiderasyon at nag take ito ng special exams. _______________________________________ Lumipas ang mga araw at mga linggo na hindi pa rin umuuwi ang kaibigan sa dorm. Second semester na at hindi man lang niya alam kung enrolled na ba ang kaibigan. Tinext niya ito nung nakaraang gabi para ayain na mamili ng gamit sa pasukan ngunit hindi ito tumugon sa sagot niya. Kapag tinatawagan naman niya ay ring lang ng ring ang phone nito. Naisip niya na baka kailangan lang nito ng panahon para mag hilom sa sakit na dulot ng nangyaring eskandalo. “Ang hirap naman ng final requirements natin.” Habang nag-aayos ng libro sa mga shelf sa library ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babaeng pulang pula ang mga labi. Nakaupo ang mga ito sa lamesang nasa harap lang ng shelf kaya rinig na rinig niya ang mga ito. “Oo nga eh, parang gusto ko na tuloy landiin yung prof natin sa major”. Tugon naman ng isa. Nagpout pa ito, halatang nagpapacute. Apat na buwan na siyang assistant librarian dahil kailangan niya ng income para sa sariling pangangailangan niya. Ayaw niyang ubusin ang pinautang ng tiya niya dahil ilalaan niya ito sa mas importanteng bagay. Naalala niya na pagkagising niya kaninang alas kwatro ng umaga ay wala ang kaibigan niya sa kama nito. Wala ring bakas na umuwi ito base sa ayos ng kubrekama. She felt her phone vibrate in her pocket. Nagtaka siya kung bakit siya tinext ng kaibigan. Bihira lamang itong makipag usap sa kanya mula ng kumalat ang balita tungkol dito. “Puntahan mo ako sa labas ng Orchidia.” Ito ang laman ng text message ni Louisa. “Sabay na tayong mag lunch.” Dagdag nito. Napatingin si Elena sa wrist watch niya na nabili pa niya noong fiesta sa barangay nila apat na taon na ang nakakaraan. Naalala na naman niya ang pamilya. Minsan lang mag text ang nanay niya dahil nagtitipid ito ngunit namimiss na niya ang kanyang pamilya. Humugot siya ng malalim na hininga at ipinasok ang aparato sa bulsa. Habang naglalakad ay naririnig ni Elena ang bulong bulungan nga mga stuyante sa entrada ng orchidia. Isa itong malaking garden sa tagong parte ng paaralan. Sa loob nito ay parang isang fairytale na puno ng iba’-ibang uri ng mga bulaklak. Maraming estudyante ang nakapalibot sa lugar. May mga pulis at reporters din galing sa iba't-ibang estasyon. “Kawawa naman yung babae, halos ‘di na makilala.” komento ng isang nursing student. Natukoy niya ang kurso nito base sa unipormeng suot. "Mukhang malaki talaga ang galit ng gumawa nito." Sagot ng kasama at pinatunog pa ang dila. Hinawi ni Elena ang kumpol ng mga tao habang tumatakbo sa isip ang iba't-ibang konklusyon. Ngunit ayaw niyang maniwala hanggat hindi kusang nakita ng dalawang mga mata niya ang katotohanan. Blood. Lots of blood.This is what Elena saw upon meeting her friend in Orchidia. Wet hair, stabbed wounds, and the hopeless image that stores in her head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD