"Kaibigan kita, Elena. Wala akong pakialam kung ayaw ni Paul na nandito ako." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa nobyo 'pag naabutan nito si Belinda sa kanilang silid. "Hayaan mo na si Paul, Belinda. Nadala lang iyon ng emosyon niya." "Anyway, isukat mo na itong mga damit na dinala ko." Inilagay nito sa kama ang mga gamit at tinulak siya sa banyo upang magbihis. Nahihiya na talaga siya ginagawa nito. Nabanggit na niya kay Paul na gusto niya ang intimate na kasal at pumayag naman ito. Napanganga ang kanyang kaibigan nang buksan niya ang pintuan. "Oh my! You are so lovely, Elena! This dress was truly designed for you!" Yumuko siya at gusto niyang takpan ang mukha dahil sa hiya ngunit pinigilan nito ang kanyang mga kamay. Napatingin siya sa palad nito at napaisip dahil may napan

