"Kailangan kong pumunta ng St. Claire ngayon dahil may announcement ang prof namin. May huling requirement rin kaming ipapasa." "Ihahatid na kita." Tumango ito at sinuot ang ID at sinuklay ang mahabang buhok. Sabay silang lumabas ng silid at saglit siyang napatingin sa pintuan ng silid ni Elleanor. Hindi ito naghapunan at 'di rin nag-agahan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang inakto ng dalaga. Kung galit man ito ay dapat hindi nito dinamay ang kanilang aso. "Hayaan mo na muna si Elleanor, love. Kung lalo mo siya pipilitin na kausapin ay mas lalo siyang iiwas." "I understand, Elena. But I'm worried dahil hindi pa siya kumakain mula pa kahapon." Tugon niya sa nobya na binubuksan ang gate. Siguro ay bababa at kakain din ang dalaga kapag wala sila. Buong byahe ay tahimik lamang

