"Pwede bang huwag na?" Nalungkot siya sa tugon ng nobyo. Masaya silang naghapunan ngunit bigla nalang uminit ang ulo nito nang magpaalam siyang sasama kay Belinda sa mall bukas. "Hindi ba't pupunta tayo ng Maynila bukas upang dalawin si inay?" Nakatalikod ito habang hinuhubad ang pantalon. Napabuntong hininga siya at kumuha ng t-shirt at boxer shorts para sa nobyo. Ayaw niyang tuluyang masira ang pamilya nito kaya sasama siya kay Belinda at siya ang gagawa ng paraan upang magkaayos ang dalawa. "Thanks, love." Wika nito nang iabot niya ang mga damit. "Hindi ba't may iba kang lakad bukas kasama ang Titan?" Hindi ito tumugon at humiga na sa kama. Tinapik nito ang katabing unan kaya lumapit siya at tumabi na rin. "Pwede ko namang e-cancel iyon." Umiling siya. Alam niyang hindi nito bast

