"Elleanor, may pagkain dito. Halika ka." Kanina niya pa tinatawag ang kapatid ngunit hindi ito lumalabas ng kwarto. Malungkot siyang tumingala sa ikalawang palapag. Hindi niya maintindihan kung bakit nanlalamig ang dalawang kapatid niya. Mukhang ayaw siyang makasama ng mga ito. Binuhat na lamang niya ang mga supot ng pagkain papuntang kusina. Napangiti siya nang makita ang alagang aso na naglalaro sa laruang isda. Nagpapagulong-gulong ito sa gitna ng kusina at panaka-nakang kumakahol. Parang inaaway nito ang sariling laruan. "Topher, ba't mo inaaway si Tino?" Saglit itong tumigil at tumingin sa kanya. Nakakaaliw ang reaksyon nito. Habang nililipat ang mga pagkain sa lagayan ay napatingin siya sa singsing na suot. Napakaganda nito at tingin niya ay hindi kailanman magiging angkop sa k

