"Here." Mabagal nitong tinanggap ang binalatan niyang prutas. Tingin niya ay pagod pa ang kanyang nobya ngunit ayaw niyang bumalik ito sa pagtulog na walang laman ang tiyan. Inayos niya ang buhok nito at pinagmasdan ang mabagal nitong pag nguya. Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan dahil sa wakas ay magiging ama na siya. Nalaman niyang ilang linggo ng nagdadalang tao si Elena ngunit base sa doktor na sumuri sa nobya ay may kailangan pa itong malaman. Ayaw naman nitong sabihin kung ano iyon kaya nag-aalala siya. Inabot nito ang tubig sa lamesa. Tahimik pa rin ito magmula ng magising at halatang may bumabagabag sa isip nito. Alam niyang masaya ito sa magandang balita ngunit malungkot ang mga mata nito. "Love, what's wrong? Come on, tell me." Iling lang ang itinugon nito. Lumapit siya

