Kabanata 5

1459 Words
Content warning: This chapter depicts graphic rape and violence. Reader discretion is advised. "Wag!" "Pakiusap, tama na po!" Hindi siya makahinga, her feet keep kicking as a man is trying to choke her. Her breathing became abnormal, and her face is red. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang ulo. Nahihilo na siya. Masakit ang kanyang mga paa at mga kamay. Hinihiling niya na sana ay magising na siya sa bangungot na ito ngunit hindi iyon nangyari. Akaya niya ay tapos na ang paghihirap niya ngunit may naramdaman siyang matigas na bagay sa puson niya. Pumalahaw siya ng tusukin ng baton ng arnis ang pribatong parte ng katawan niya. Tinadyakan siya nito at akmang hahampasin ng isa pang baton. "WAG! TAMA NA!" Napabalikwas ng bangon si Elena ng tumunog ang alarm clock niya. Pawis na pawis siya at gusto niyang umiyak ngunit napahugot nalang siya ng hininga. "Panaginip. Panaginip lang." Bulong niya at napatingin sa bintana sa kusina. Madilim pa lang. Inisip niya na 4 am nga pala ang siniset niyang oras upang makapaghanda pa dahil mayroon siyang klase na 7 a.m. Kailangan pa niyang mag scan ng notes at magplantsa ng uniporme. Pero kagabi ay inabot siya ng alas dose kakaisip kung sino ang may sala sa pagkamatay ng kaibigan. Dalawang araw na magmula ng libing ng kaibigan. Ilang araw na rin siyang mag-isa sa kwarto at namimiss na niya ito. Hindi na rin siya makapag-aral ng maayos. Kahit nga sa gawain sa library ay mali mali ang librong nalalagay niya sa shelf. Nung una ay pinagbibigyan pa siya ng librarian dahil sa pinagdadaanan niya ngunit kahapon ay kinausap na siya nito ng masinsinan. Kahit ang pagiging president ng Arts Club ay hindi na rin niya nagagampanan ng maayos. Halos wala na siyang tulog dahil sa kagustuhan na maresolba ang kaso. Ayaw niyang umupo na lang at maghintay ng walang ginagawa para sa kaibigan. Taas-baba parin ang dibdib niya kaya nag desisyon siyang umupo na muna sa kama. Napako ang tingin niya sa kahong gawa sa kahoy na nasa ibabaw ng study table niya. Nasa sakanya na yon dahil ibinigay iyon ni Louisa. Noong dumating ito sa dormitoryo at nag-aayos ng mga gamit ay tinanong nito kung sa kanya ba ang kahon at nung itinanggi niya ay sinubukan itong buksan ng kaibigan subalit hindi nito mabuksan buksan iyon kahit ano pa ang gawin nito kaya naman ay ibinalik nalang ulit nito sa patungan ang kahon. Hindi maintindihan ni Elena kung bakit sa loob loob niya ay nakucurious siya sa laman ng kahon kaya naman ay hiningi niya ito sa kaibigan. Aminado siyang dala ng pagiging matalino niya ay ang kuryosidad sa mga bagay bagay. Sa sumunod na mga araw ay sinubukan niyang buksan ang kahon. Inalog alog niya ito at tingin niyay mayroong solidong bagay ang nasa loob niyon. Naalala niyang magkasama sila ni Louisa noong araw na nabuksan niya ang kahon. Nag-aaral sila sa isang bench malapit sa orchidia. Nagmememorize ng mga formula ang kaibigan para sa nalalapit nitong one hour exam. May suot itong earphones at alam niyang nakikinig ito ng music. Sa suot nitong jacket na may hood na may disenyo na ulo ng bear ay para itong bata. Malamig sa Baguio ngunit mas malamig ngayon kaya habang nag-aaral ay umiinom sila ng kape. Hindi siya mahilig uminom ng kape noon ngunit ng tumungtong siya sa kolehiyo ay nasanay na rin siya. Umorder din ng pizza ang kaibigan kaya naman ay ganado sila sa pag-aaral. Nang matapos ang pagtitipa niya sa laptop ng presentation para sa isang subject niya sa lunes ay nag unat-unat siya. Kailangan pa niyang humiram ng laptop sa kaibigan dahil required na sa isang subject niya na gumamit ng teknolohiya at hindi ang mga traditional na manila paper at cartolina na kailangang basahin at kopyahin ng mga estudyante. Pagpapaliwanag ng instructor nila ay learner-centered na ang approach na gagamitin nila sa pagtuturo kaya ang paggamit ng teknolohiya ay madali lalo na sa mga activities na gagawin. Nagdesisyon siyang iligpit na ang mga gamit sa bagpack ngunit nang ilagay niya ang huling notebook ay nakapa niya ang kahon na kahoy. Dala dala niya ito araw-araw at sa di malamang kadahilanan ay mas tumitindi pa ang pagnanais niyang malaman ang laman ng kahon. Pakiramdam niya ay may nabuo na itong koneksyon sa kanya. Nilabas niya ito at sinimulan na namang buksan. "El? Dala mo na naman ang bagay na iyan? Hindi ka ba nagsasawa diyan?" "Hindi ko nga rin alam El eh. Habang lumilipas ang mga araw, mas lalong lumalala ang interes ko dito" Natawa na lang ang kaibigan niya. Iniisip nito malamang na nababaliw na talaga siya. May mga araw kasi na mas inuuna pa nito ang kahon kaysa sa mga assignments niya. Maski nga ang librarian na isang matandang dalaga na ubod ng talino ay hindi rin alam kung paano bubuksan ang kahon. Natawa nalang siya sa sirili. Si Louisa ang gumawa ng palayaw nila sa isa't-isa. Kahit sa kaibigan nitong si Jane ay may palayaw rin ito. "El" dahil L ang Unang letra sa pangalan nito at El naman daw ang simula ng pangalan niya. Nagpalinga-linga si Elena at nang makaisip ng paraan ay agad siyang tumayo para pumunta sa orchidia. Nasa 80 meters ang layo nito mula sa bench at maraming mga mayayabong na pine trees ang madadaanan papunta doon. "Where are you going?" Nagulat siya sa seryosong tanong ng kaibigan. Nang tingnan niya ito ay biglang nagbago ang ekspresyon nito at ngumiti. "I'm just going to orchidia. May titingnan lang ako doon" "Ano naman yun? Mag aalas tres na." "Babalik rin ako. Mabilis lang 'to." Her friend might think that they might be late for their classes, so she assured her before she left. "Make sure to get back asap. Baka mahuli tayo sa mga klase natin." Tango lang ang sinagot niya rito. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Natawa siya. Dalawang taon nalang at gagraduate na ang kaibigan. Third year na kasi ito at may inaalagaang grades. Kahit marami ang pinagtatawanan ang pagkanerd ni El ay marami rin ang humahanga sa katalinuhan nito. Mayroon pa nga itong manliligaw. Habang naglalakad ay tumataghoy pa siya. Maganda talaga ang St. Claire. Nature ang gusto niyang ipinipinta at ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral dito para sa kanya ay isa ng tagumpay. Nang makarating sa orchidia ay agad niyang kinuha sa gilid ng hagdan ang chisel at ang pamukpok nito upang simulan ang plano. Sa buong campus ay ang orchidia ang pinaka paborito niyang puntahan. Nalibot na rin niya ang loob at labas nito kaya alam niyang may chisel sa gilid ng hagdan sa entrada nito. Nang sa wakas ay narinig niyang nag "crack" ang gilid nito. Natigilan si Elena sa nakitang laman ng kahon. Puro ito mga papel na parang pinunit lang galing sa iba't-ibang pahina ng notebook o libro. Nakatupi ang mag ito at parang lumang luma na. Sinimulan niyang basahin ang unang papel ngunit hindi pa man niya ito nabubuklat nang may maramdaman siyang kamay na humawak sa kanang balikat niya. _____________________________ "Mang Kulas?!" Sa gulat ni Elena ay muntik na niya itong batohin ng matigas na bagay na hawak niya. Napaparami pa naman ang inom niya ng kape ngayon kaya halos lumipad ang kaluluwa niya. "Pasensya ka na hija. Ano bang ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?" Kalmado lang ito ngnunit nang makita nito ang hawak niyang bagay ay nanlaki ang mga mata nito. Tiningnan niya ang kahon at si mang Kulas. Para itong natatakot. Bakit naman ito matatakot ng dahil sa isang kahon? Sa isip niyang tanong. "San mo napulot ang bagay na iyan?" "Po?" "Sagutin mo ang tinatanong ko!" Suddenly her belief about the old man's character changes swiftly. Ibang-iba ito sa mang Kulas na kilala niya na masiyahin at kalmado. Ngayon ay parang takot na takot ito sa isang bagay na hindi niya maintindihan. Madalas si mang Kulas sa orchidia dahil nagtitrim ito ng mga halaman sa labas at loob nito. Dahil malapit sa dormitoryo ng mga lalaki ang orchidia ay pinupuntahan niya na rin ang orchidia para linisin at ma maintain ang loob at labas nito. Ibubuka pa sana niya ang bibig ngunit bigla itong tumakbo ng matulin. Napakamot siya ng ulo. Nang mapag-isa ay naupo si Elena sa hagdan ng orchidia at binasa ang ilan sa mga papel na naroon. Ngunit hindi niya ito maintindihan. Isang bagay pa ang ipinagtataka niya dahil parang may mga pulang marka ang ilan sa mga papel na parang patak ng pintura. Nang maala niyang may bagay na umaalog-alog dito ay tiningnan niya ang ilalim ng mga papel. Kwentas. Iyon ang bagay na nakita niya. "Kanino kaya to?" Bulong niya sa sarili. Para namang may sumagot sa kanyang tanong dahil biglang umihip ng malakas ang hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD