#SMBB_1

1455 Words
Kiel's POV. "Goodmorning Sir" bati saakin ng guard dito sa building. Ngumiti nalang ako sakanya pabalik at tumungo na sa elevator hanggang sa makarating ako sa floor kung saan nandoon yung office ko. Isa nga pala akong engineer na nagtatrabaho dito sa isa sa mga malalaking kumpanya sa buong mundo na pagmamayari ng DATI kong crush na si Vanessa. She's an engineer and an  architect. Sya yung pinakaboss namin dito, brat sya at ako naman yung boss ng engineering department. "Kiel! Bal! Lagot ka nanaman kay Ma'am Vanessa nyan! Late ka nanaman! Tsk tsk tsk. Magwawala yun, nako!" Yan si Cherry Mae Perez ang secretary ko at bestfriend ko rin na parang nanay ko na rin dito sa office hahaha todo advice nyan saakin at dito sa office sya yung masyadong masunurin kay boss Vanessa. Psh, kahit naman masunurin at mabait ka, pagiinitan ka parin nung ekpaktang babaeng yun eh. Nerd din tong babaeng toh, well parehas kami DATI pero ako na syempre nagevolve haha. Malay ko ba dito bakit hindi sumabay sa pagevolve ko pero wag kayo mayaman toh yun nga lang may pagkakuripot. "Bal naman. Monday na monday stress ka nanaman, atsaka hayaan mo si Vanessa palagi naman yun nagwawala eh hahaha hindi ka na nasanay" "Talagang alam na alam oh! Hahaha" nagsisimula nanaman syang mangasar saakin at kinilit kiliti pa ako sa gilid "Haish ang kulit" pinalo ko na yung kamay nya na nangingiliti saakin, nagpout naman sya pero maya maya nagpatuloy parin sa pangaasar. Bwiset. "Hahahaha yieeee. Ikaw ha! Sabi mo hindi mo na sya crush" "Hindi nga" seryoso kong sabi habang tinitingnan yung mga next projects ng team namin pero iniisip ko rin kung wala na nga ba? Simula elementary kasi naging crush ko yun kahit ubod ng kasupladahan at kasungitan, ubod din naman kasi sya ng katalinuhan,kagandahan at ubod din sya ng yaman, mabait naman din sya? Hmm, siguro once in a blue moon lang yung kabaitan nya kaya once ko lang nakita. Wala nga namang perfect na tao. Ewan ko lang kung bakit ngayon naglevel up yung kasupladahan nya. Nagevolve kasabay ng pagevolve ng itsura ko. Napangiti nalang ako dun ng patago kay Cherry ng maisip ko nalang bigla na sinasabayan nya yung pagevolve ko hahaha, napakafeeler ko noh? Hays. "Hmm, okay. sabi mo nga hindi na kaya ka nga ngumingiti dyang magisa eh" inayos ko naman yung sarili ko at tumingin sakanya. "Hindi ah" "Tss oo na. Hindi mo na sya crush. Tss" napatingin naman ako sa bestfriend ko na agad agad nagagree saakin madalas kasi hanggang uwian yun parin topic namin eh. Wow ah,  "Mahal mo na siya. Yieee hahahaha"  Napailing nalang ako sa pangaasar niya.  "Ehem" "MA'AM!" "Are you yelling at me? At your boss?" Pataray na tanong ni Vanessa sakanya. "Hindi po ma'am, nagulat lang po ako" sundalo lang peg netong si Cherry? Hay naku. Nakita ko namang tumango nalang si Vanessa at tumingin saakin sabay tumingin ulit kay Cherry. "Tss. Umaagang umaga, ang inaatupag nyo agad ang pagdadaldalan nyo! Try nyo kayang magtrabaho!" "Vanessa--" "Excuse me? It's MA'AM VANESSA. And you too, Lucas! One more late and you're fired" "Ma'am it's Kiel not Lucas. Too formal" with hand signatures pa katulad ng ginagawa netong babaeng toh hahaha. Atsaka para namang wala kaming pinagsamahan at Lucas ang tawag nya parin saakin. Teka, meron nga ba? Sabi ko nga wala pero kahit na! Ang formal kaya ng Lucas, Lucas kasi ang apilyedo ko "K. Whatever. Anyway, here are the papers you need to sign for the needed materials for your team project on Mr. Suarez building" sabi nya at binigay saakin yung mga papers na kailangan kong iapprove. Pagkatapos kong basahin tiningnan ko sya, "What?" "Ballpen?" "Do I look like a ballpen provider to you?" "Hindi ba? Mukha kasi eh. Remember when we were in highsch--" "Just shut up and sign that papers! Right now!" Highblood nanaman po sya hihi. Ngumiwi naman ako sakanya at yumuko na para kumuha ng ballpen sa drawer ko, actually ang dami ko ngang stock dito eh haha inaasar ko lang toh. Nang tingnan ko sya ayun namumula ang mukha. Napangiti naman ako habang binabasa at pinipirmahan ko iyon haha, hindi ko kasi mapigilang matawa sa itsura nyang parang may lumalabas na usok sa magkabilang tenga nya eh hahaha. "Here you go" sabi ko with a smile pero ang binalik nya lang saakin at isang magkadikit na eyebrows haha. "Bye Vanessa! Have a nice day!" Pahabol ko na sabi sakanya, bigla ba namang binagsak yung pinto ng opisina ko hahahha. Ang sarap talaga nun asarin. "Ayaw nya talagang balikan yung highschool memories nya noh?" "Yeah. Bakit kaya?" "No one knows at bakit pala nagkaroon ka ng concern saakanya ha? Yieee hahaha" ay naku! Eto nanamang bestfriend ko na toh oh! Tinatanong lang kung bakit,concern agad? Hindi pwedeng curious muna? Psh. Nagsimula na kami magtrabaho at pumunta na rin ako sa site para asikasuhin yung building na pinapagawa ni Mr. Suarez, maganda naman yung pagkakagawa ng architecture department sa design ng building kaso ang hassle sa materials! Hays.  Noong pabalik na ulit ako sa main building namin exaktong nakita kong naglulunch na si Cherry dun sa restaurant na katapat lang ng building namin, masabayan na nga, magpapalibre lang ako hehehe. "Bal" "Oh Bal! Musta sa pagchecheck ng site?" "Ayos naman, halos kakasimula palang. Bal, libre mo naman ako oh" "Hay nako! Tigil-tigilan mo ako ah, kapos ako ngayon" kuripot talaga neto kahit kailan. Panget na nga kuripot pa pfft hahaha pero wag kayo mahal mahal ko tong bestfriend ko na toh! "Hayyyyy.Magtitiis nalang ako dito habang nakatingin sayo habang kumakalam ang sikmura kasi kanina pa hindi kumakain" pagpapaawa effect ko sakanya.  "Panget mo bal. Wag ka ngang gumanyan!" "Mas panget ka noh! Dali na kasi libre mo na ako" at makalipas ang ilang minuto nilibre na nya ako. Yes hahaha mahal mahal talaga ako neto! Hart hart haha. "Hey!" "Oh! Hi Jeremy" Jeremy Valdez, boss ng architectural department dito saamin. Chickboy toh pero hindi naman ganun kagwapo mas gwapo pa nga ako eh hehehe malakas lang appeal nya. At naging crush din toh ng bestfriend ko pero nung nakumbinsi ko na syang walang seseryosohin toh and waste of crushing lang sya, tinigilan na nya ang kakapantasya dito. Himala nga eh naging kaibigan namin haha. "Hi Cherry! Oh, Brad! Mukhang badtrip na badtrip sayo si ma'am ngayon ah"  Napangiti nalang ako sa sinabi nya saakin. Palagi namang ganun yung babaeng yun eh. Highblood madalas akala mo palaging meron. At ako ang dahilan ng lahat ng yun halos lahat sa opisina alam yun hahah, bakit ba? Halos lahat ata nang galaw ko kinakainisan nya para bang ayaw nya ako makita araw araw and that is the exciting part ang mainis sya saakin hahaha "Ang bilis naman makarating sainyo yung mood ni Vanessa" "Malamang pumunta si ma'am sa building namin eh, chinecheck kung tama ba yung ginagawa namin at yun nga napaginitan nya yung isang trabahador doon may konting pagkakamali lang" "Hahaha sana vinideohan mo tiyak ako magiging viral yun" biro ko pa.  "Bal! Sira ka talaga. When Ma'am Vanessa finds that out---" "Pffft HAHAHAHAHAHA. Naiisip ko palang itsura nya natatawa na ako eh hahaha" hindi ko na talaga mapigilang matawa.  "Gag* ka talaga, pre. Alam mo ikaw lang ang may kayang gumanon kay ma'am buti hindi ka natatakot" "Hahaha ako natatakot? Isang Ezekiel David G. Lucas matatakot kay Vanessa Maxine D. Alvarez? Huh! Asa pa" sabay kain ng burger na nilibre saakin ng pinakamamahal kong bestfriend.  "Ehem. Excuse me?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Speaking of the devil- I mean Vanessa. Eto na pala siya with her friend Stacey. "Dadaan ka?" Nakita ko namang nagpigil ng tawa yung dalawa, I mean, yung tatlo pala kasi si Stacey din eh hahaha. Eto naman si Vanessa, galit agad, jusko yun palang yung sinabi ko eh. "Alis" "Bulag ka ba? Hindi mo nakikita? Kumakain pa kami noh!" "I told you to leave on that table! NOW! or I will fire you all" "Magic word?" "I have no time for this, Lucas" "Edi wag. Madali lang naman akong kausap" sabi ko at pinapatuloy yung pagkain ng hambuger ko. Yung dalawang kasama ko naman ayun halatang kinakabahan na. Sus anong kinakaba nya dito? Kumakain tayo dito tapos papaalisin nya. Tss bastusan? "LEAVE! NOW!" Shete! Nakakabingi! Ang dami pa namang tao dito. "Please guys. Leave" sabi ni Stacey buti pa tong bestfriend nya marunong magsabi ng PLEASE. Umalis na kami dun sa table na yun tutal tapos na rin kaming kumain. Pero bago kami umalis ng restaurant na yun tumingin ulit ako dun kila Vanessa, exactong nakatingin sya saakin. *Wink* -ako *Simangot* -sya Grabe nakakatawa talaga yung itsura nung babaeng yun. °°°°°
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD