#SMBB_2

1570 Words
"Oh? Ang aga mo ngayon kuya ah"  Katherine Joy Lucas AKA Kath. Nakakabatang at kaisa-isang kapatid ko siya. She's a second year highschool student. Matalino sya just like me yun nga lang hindi sya nerd, actually lapitin sya ng lalaki pero bawal pa magboyfriend! "Ayaw mo nun? May kasama ka na dito sa bahay?" Sabi ko sabay halik sakanya sa noo. "Sanay naman akong magisa eh" pagdradrama niya kaya napabatukan ko siya ng mahina, "Aray ko naman. Kuya! Joke lang!" hinamas himas naman niya yung likod ng ulo niya habang naka pout.  "Tigil tigilan mo ako sa kakahugot mong yan ah! Para kang broken hearted dyan, tandaan bawal ka pang magkaboyfriend hangga't--" "Hangga't hindi ka pa nagbebente. Kath bawal rin magpaligaw. Friends friends lang, Kath. Oo na po kuya! I know na! Jusko!" Leche ginaya ba naman boses ko. Hindi kaya ganyan lalalim boses ko eh. Ginulo ko nalang buhok nya at tumakbo agad sa kwarto ko, "Bwiset ka kuya!" Tumawa nalang ako ng malakas hahaha kasi alam ko namang hindi nya ako pupuntahan dito kasi nagluluto sya at hindi nya pwedeng iwan ang niluluto nyan hehe. Masyado nya kasing sineseryoso ang pagluluto. No wonder why gusto niyang maging chef one day, kaya nga ngayon palang pinagiipunan ko na ang pang-college nya kahit medyo mahal basta para sa kapatid ko gagawin ko ang lahat para magging masaya sya. Eh sya lang naman kasi ang meron ako ngayon eh. "Kuya! Andito si nanay!" "Nay" nagbless na rin kami sakanya. Bihira lang umuwi rito si nanay, at sa bihirang iyon lasing pa sya. "Nay. Uminom nanaman po kayo" Sabi ko sabay alalay sakanya paupo dun sa kahoy na sofa namin. "Ahaha. Ano ka ba?! Hindi ah. Tipsi lang" at ngumiti pa ng nakakaloka. Oo tipsi lang amoy na amoy eh. Tinalo pa amoy ng luto ni Kath. "Nay" "Oh Kath anong ulam ngayon?" Pilit pa nyang tumayo pero pinigilan ko sya. Jusko baka mamaya may mabasag pa sya sa mga gamit namin dito noh! "Nay. Halos sumasayaw na po kayo habang naglalakad, tipsi pa ba kayo nun?" Tiningnan naman ako ng nanay ko sabay tawa. Maya maya nyan magsusuka na sya. "Nay naman eh!" "Magaling ba akong sumayaw, nak? Hahaha" "Hibang ka na po talaga. Kath! Timpla ka ngang kape dyan" pagkatapos uminom ng konti kape ng nanay ko,tumayo muna ako para kumuha ng maligamgam na tubig at twalya pero pag balik ko. BLURP Nanay ko nga naman. Hays dapat pala mop ang kinuha ko hindi twalya. The next day "GOODMOR-----Mmmmmppp. Bakit?" Madiin na tanong ni Cherry habang pinipilit ko siyang ilabas sa bahay namin. "Uso kasi ang kumatok muna noh!" "Teka," sabi nya sabay may inamoy.  "At...tama ka ng hinala" Halata naman alam niya eh kahit hindi na niya sabihin, alam na alam niya pag andyan si nanay. "Grabe! Ang baho, kagabi lang sya dumating noh?" Sabay takip ng ilong nya. Hay, kagabi kasi nakadalawang tuloy tuloy na suka si nanay at swear ang baho kaya hanggang ngayon may amoy pa rin! Buti nalang nga nakatulog kami ni Kath. Thank you Lord! "Hay. Sige sandali lang" sabi ko at pumasok ulit para kuhanin ang gamit ko. Ayokong papasukin si Cherry pag nandito si nanay, ayoko kasing maging close sila eh baka hindi ko na makilala bestfriend ko one day dahil sa mga kabaliwang ginawa netong nanay ko na toh. "Oh? Ikaw na bahala dito ah. Tawagin mo lang ako pag may problema tapos pag aalis ka na ilock mo tong pintuan at yung mga bintana ah! Ingat sa school" ayoko na ring ibilin kay Kath si nanay, baka mas lalong lumala jusko po. "Nay! Wag nang gagawa ng gulo ah! Behave muna!" "Ano ka ba nak. Syempre naman. Nga pala sino yun?" Ay leche nakita nya si Cherry. "Si Cherry po yan" "Owww sya pala yun! Hindi pa rin nagbabago ah! Manang pa rin" sabi nya sabay kain. Mas mabuti na yun noh! Kesa naman sa nagsosoot ng sando at maiikling shorts paglalabas. Para ngang mas nanay pa ang dating ng bestfriend ko kesa sa mismong nanay ko eh.  "Ehehe sige na, nay. Bye!" Sabi ko sabay kiss sa cheeks at alis na papuntang opisina. Later Pagkapasok namin sa elevator, tadhana nga naman nakasabay pa namin si Vanessa hehe. Di ko alam pero ang saya saya ko pag nakikita ko sya. Oppss kakasabi ko lang. HINDI KO NA SYA CRUSH... PERIOD. Masaya lang talaga ako pagnakikita syang nakabusangot lalo na pag dahil saakin hahaha "Goodmorning Vanessa!" Masayang bati ko "Correction? It's MA'AM VANESSA. Hindi tayo close" Tagos sa puso, ouch. Heheh joke, OA ko haha. "Wala man lang bang goodmorning dyan? Ma'am?" "There's no good in the morning when the first person I saw here in the office is you" Ang harsh talaga netong babaeng toh. Goodmorning lang nga ayaw pa! Pasalamat nga sya at ako lang nagtyatyagang maggoodmorning sakanya araw araw dito sa office eh. "Uy! Si kuya guard kaya yung una mong nakita dito sa office" "Tssss whatever" Ting Pang-17th floor palang pero lumabas na sya. Teka. 25th floor pa sya ah? Tiningnan ko kung saan sya dadaan. Sa kabilang elevator lang pala, ayaw talaga ako nung makasama. Hindi naman mabaho hininga ko o ako mismo! May itsura din naman ako? Ay nako ewan ko. "Burnnnn!" Isa pa tong bestfriend ko na toh! Pagkapunta ko sa office ko. Kinuha ko lang yung ibang documents at pinaubaya na kay Cherry yung iba pang gagawin dito sa opisina habang ako naman pumunta na dun sa mga sites na ginagawa. Malapit ng matapos yung kay Mr. Suarez tapos marami pa ang sumunod. Hay kapagod. Kahit naman kasi may iba't ibang nakadestinong engineer dun na nagtatrabaho din sa company na yun syempre as their overall boss kailangan ko ring pumunta at utos saakin ni Vanessa yun, pinapagod talaga ako nung babaeng yun!  Pero sige dahil mahal ko tong trabaho ko at nakakatulong toh sa pamilya namin, tiis tiis nalang din. Pagkatapos kong libutin ang buong metro manila kakatingin sa mga sites bumalik ako sa opisina dahil daw pinapatawag ako ni Vanessa, sabi ni Cherry. Mula Marikina babalik ako sa Makati para sa babaeng yun.  Pag hindi talaga yan importante at trip lang ni Vanessa na tawagin at pahirapan ako masasapak ko sya kahit babae pa sya hehe joke. "Bal. Ang tagal mo kanina ka pa pinapatawag ni ma'am. Nako" "Kakausap lang namin kanina, miss na nya agad ako?" Sabi ko at bigla naman nya ako binatukan. Walanghiya talaga toh nagbibiro lang naman eh! "Loko ka talaga, bal! Hahaha" Pumunta na ako sa office nya nasa pinakataas pa naman, kapagod! "ANG TANGA TANGA MO RIN EH NOH? I SAID JUICE NOT COFFEE! ARGH! NATAPON MO PA DITO SA TABLE KO! ANO KA BA?! HA?! STUPID!" "OH-UH. Looks like someone's will get fired soon" bulong ni bal saakin "Ano nanaman nangyayari? At nagwawala nanaman si Vanessa?" Tanong ko dito sa assistant nya AKA taga utos nya sa lahat ng bagay na nakikinig lang din sa labas, takot pumasok at magpakalma dun sa nagwawalang tigre. Hay "Eh kasi yung bago nyang secretary, hindi na nga juice yung tinimpla tapos na tapon pa sa table nya" "Yun lang? Nagwawala na sya?" "Eh alam mo naman si boss" mukhang alam ko na kung anong mangyayari sa susunod.. Bal: "3" Me: "2" Both: "1" "YOU'RE FIRED! OUT OF MY OFFICE! NOW!" At lumabas na sa office nya yung secretary nya na umiiyak (syempre alanganamang tumatawa), wala talagang nakakatagal na secretary dito! Ang pinakamatagal na ata 3 months eh. Ako nga naawa sakanila eh.  "San ka pupunta?" "Kay Vanessa. Bakit?" "Pakalmahin mo muna" "Rose, kung papakalmahin ko muna sya baka abutin pa akong isang linggo dito" sabi ko at pumasok na sa office nya. Grabe, parang may dumaan na bagyo dito ah. Grabe talagang magwala yung babaeng yun. Lahat nasisira, lahat nadadamay. "Didn't you know how to knock?" "Vaness-" "MA'AM" sabi nya habang nakasimangot. "Ano po bang kailangan mo?" "Hatid mo ako sa isa sa mga site sa Marikina. Andoon si papa" napanganga naman ako sa sinabi nya. "Ano?! Wala ka bang driver? Atsaka kakagaling ko lang dun ah!" "I let him take his day off. Why? Do you have any problem?" nakapamewang niyang tanong sabay taas ng isang kilay saakin. Argh! Ang sarap nyang sipain kung hindi ko lang toh boss at kung hindi lang toh babae, malamang wala na toh sa mundo! Hulaan ko ginagantihan ako neto, gantihan pala ang gusto nya ah. Sige. "Sabi ko nga wala. Ikaw ang boss eh" "Good to hear that" "Brat boss" bulong ko "What?" "Wala sabi ko! Aki na yang bag mo. Nakakahiya naman" aabutin ko na sana bag niya pero agad naman niyang nilayo.  "Oh no! You don't have too. Atsaka baka magkagerms noh!" Arte! Malinis naman kamay ko ah. Mas malinis nga kesa sakanya eh. "Rose! Here take my bag. And take care of it ah, mahal yan" Anong pake namin kung mahal yan? Mamamatay ka ba pag nasira o nadumihan yan? Tss Engineer turns into a driver ng isa sa mga pinaka masungit na boss sa buong mundo. How cool was that *Insert sarcastic tone* "Lucas" tawag niya saakin nung nakatapat na siya ng pintuan ng office niya, "The door?" Nalito pa ako nung una kung ano yung sinasabi niya pero nung napagtanto ko na, agad ko na siya pinagbuksan ng pinto. Makapagutos toh, hindi ba siya marunong magbukas ng pinto? Tss.  °°°°°
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD