#SMBB_4

1549 Words
"Asan si nanay?" Hysterical kong tanong kay Kath. "Ayun oh, tuwang tuwa pa ata na nandito sya eh" napailing nalang ako sa nakita ko. Ayun tuwang tuwa pa atang nakikipagdaldalan si nanay sa mga kasamahan niya sa loob.  Para ng tambayan na ni nanay kasi itong presinto kaya marami na siyang kilalang preso sa iba't ibang presinto. Paano, palaging nadadawit sa gulo.  Yung pagaalala ko kanina, napalitan ng konting inis. "Ano nanaman bang nangyari Kath?" "Ewan ko ba basta pagkauwi ko galing school naichika saakin ni Aling Yumi yung tindera ng mga manok, na may rambulan daw naganap at kasama daw si nanay dun" "Nanay talaga. At sino naman ang karambulan nya?" "Big time daw kuya eh" "Nak ng tokneneng! Makikipagrambulan nalang nga si nanay, sa big time pa!" Naiinis kong saad at napahilamos ng mukha.   Shit, now what? Wala pa naman akong masyadong pera ngayon. Naigastos ko na sa tuition ni kath at sa mga gastusin sa bahay. "Paano na yan,kuya?" Nagtanong pa toh! Noong napatingin ako dun sa counter nakita ko ang isang pamilyar na babae.  Namamalik mata lang ba ako? O andito rin talaga sya? "Vanessa?" "Huh? Kuya?" Naglakad ako papunta dun at totoo nga si Vanessa nga. At anong namang ginagawa ng babaeng eto dito? "Okay, thank you sir" rinig kong sabi nya. Umalis muna yung pulis officer na kausap nya kanina at pagkatalikod nya nakita nya ako, nanlaki ba naman ang mata nya at tinignan niya ako mula taas hanggang baba. Diba dapat ako yung magulat na nandito sya? "What are you doing here?" "Dapat nga ikaw ang tinatanong ko nyan eh" hindi nalang sya sumagot at naghintay dun sa police officer na kausap nya kanina. "Ms. Alvarez, eto na po yung kapatid nyo" sabi nung police officer na may kasamang lalaki nahalatang kakagaling lang sa rambulan. Paano ba naman may pasa sa mukha at halatang bad boy, kapatid nya toh? Bigla naman akong pinagkakalabit ni Kath sabay bulong ng, "Kuya kuya! Sya yun! Sya yung isa sa mga karambulan ni nanay!" Kumunot naman noo ko at magsasalita nalang sana nang biglang siyang lapitan ni Vanessa sabay hila sa tenga niya. "ARAY! ATE!" sa sobrang lakas ng sigaw niya, lahat napatingin sakanila.  "Ayan ang napapala ng mga batang ayaw sumunod! Leche! Imbis na nagbeaubeauty sleep na ako ngayon, kailangan pa kitang daanan dito! Argh! What? Sino nanamang nakaayaw mo ngayon?!" Wow! Ngayon ko lang narinig si Vanessa na nagtagalog ng ganyang kahaba pero bakit ganun? Kahit magtagalog sya parang english pa rin, anak amerikana nga naman. "ATE ALAM MO BANG PUMATOL YAN SA BABAE! AT MAS MALALA PA SA NANAY KO PA! HOW DARE Y--mmmmmmm" "Ehehe pagpasensyahan nyo yung kapatid ko ah hehe" bigla ba namang sumigaw tong kapatid ko. Hay naku katulad din ng nanay, palaban. "What?! Is that true?! How dare you! Wait until papa know about this! I'm sure you'll be grounded!" "Hala! No ate. Please. Boring ang buhay!" "Buti naman alam mo! Tsss! Let's go! Nakakabwiset ka talaga! Pahamak!" Habang papaalis ng police station, lahat kami dito nakatingin lang sakanila, sanay na sanay talaga syang gumawa ng eksena eh. Ay oo nga pala si nanay pa pala..Hala paano ba toh! Ah si bal, naku sana may extra sya. [Oh bal? Ba't ka napatawag?] "BAL! I need your help" Later "Naku bal, magkano ba kailangan mo?" "Sa mga nasirang gamit dun ni nanay sa isang kainan 10K. Tapos ako na bahala dun sa 20K" "Sige sige" At inabot nya yung pera nya saakin, ang bait bait talaga netong bal ko kahit paminsan kuripot rin haha. Pero pag talaga kailangan ko ng tulong andyan sya parati saakin. "Kaya mahal na mahal kita bal eh! Salamat! Hayaan ko babayaran kita agad" "Hahahah ano ka ba wag na, what are friends are for?" "Hahaha nakakahiya edi ililibre nalang kita pag nakuha ko na sweldo ko" "Ay nako bal wag na. Pang gastos mo nalang yun" "Hindi, ililibre kita" "Kulit. Osige na nga! Jusko!" natawa naman kami parehas doon at umalis na.  The next day "Nayyyyyyyyyyyy!" Saturday ngayon kaya walang pasok si Kath at ako kaya napagisipan naming bumisita muna kay nanay. "Mga anak!" Nagulat naman kami nung nakita namin si nanay sa labas ng selda at parang may hinihintay.  "Nay? Nakalaya ka na po? Aba magic!"  "Paano kayo nakakuha ng piyansa?" Nakangiti naman ng nakakaloka si nanay, para namang nanalo sa lotto tong nanay ko na toh. "I paid for it in return for helping me yesterday and in behalf of my brother's behavior. By the way, Mrs. Karmina--" "You can call me Nanay Karmina" Parehas naman kaming nagulat ni Kath  doon sa sinabi ni nanay kay Vanessa.  "NAY!" "What?!" "Uhm... Okay? Anyway, sorry po again for what happened between you and my brother yesterday. He doesn't actually know what he's doing back then.... Until now" sabi ni Vanessa. Wow ha nakakapanibago ngayon si Vanessa, ano kayang sumapi dito at naging magalang at mabait siya. Nanaginip ba ako? O baka naman may kakambal si Vanessa at siya yung kausap namin ngayon?  "Naku okay lang yun. Ano ka ba. Wala yun" ngumiti nalang si Vanessa kay nanay.  Nakakapanibago! Nakakakilabot pa! Err...Pero sana hindi na sya bumalik sa dati, mas bagay nga sakanya ang nakangiti eh. Labas gilagid pa haha de joke. "Anyway. Hahatid ko na po kayo" "Talaga? Napakabait mo naman. Sige sige" "Nay! Nakakahiya. Vanessa wag na" mahinang suway ko pero mukhang narinig ni Vanessa at  kinunutan ako ng noo. Uh-oh the dragon is back.  "I insist" madiin nyang sabi saakin. Hindi na ako kumibo at sumunod nalang sakanya baka biglang magtransform siya ulit eh. Nakarating kami sa bahay ng sila sila lang nagkwentuhan. Nakakahiya talaga! "Ay, ma'am dito na po kayong kumain. Sigurado po akong masasarapan kayo sa niluto ng aking anak! Eto ata ang chef namin dito" "Really? How wonderful!" Hanggang sa matapos kaming kumain, nakangiting nakipagkwentuhan si Vanessa kay nanay. Okay, nagging weird na toh para saakin. Wait? Weird.. baka panaginip lang toh. Tama tama. Pinikit ko ang mga mata ko pero pag kadilat ko parin andun parin sya. Langya totoo nga toh "Why?" Tanong nya dun ko lang narealize na kaming dalawa nalang pala ang nandito kasi sila nanay ayun naglilinis ng mga pinagkainan. "Wala. Naninibago lang ako sayo" sabi ko sabay sya naman ngumiti nalang "So uhm. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni nanay ah" "She's a sweet at the same time awesome nanay" sweet? Si nanay? Wala ata sa dictionary nyan ang sweet. Jusmiyo! "Paano mo naman nasabi? Eh ngayon mo lang sya nakilala" Para ngang ang tagal na nilang magkakilala kung makaasta silang dalawa eh.  "Because I never experience to have a mother like that. Well, I didn't experience to have a mom" sabi nya ng nakangiti pero parang naluluha pa. Wait naluluha sya? Okay? Tumatagal ng tumatagal mas lalong syang nagging weird ah. "Baki-" ~LALA...LALALA.....LALA....LALALA~ "Hello pa....... okay....... yes papa......... I'm on my way....... k" ang cold naman parang kung ako yung papa nya masasaktan ako ganyan ang turing saakin ng anak ko "Aalis ka na?" "Well I need to go already. I guess I'll see you on monday? Bye" "Bye" sabi ko at hindi ko pa sure kung ngingiti ba ako or what.  Bago siya umalis ay nagpaalam na muna sya kila nanay at Kath. Eto namang si nanay parang ewan,ayaw pang paalisin si Vanessa. "Ang sweet nya noh! Napakaswerte siguro ng mga magulang nya sakanya" sabi ni nanay pagkaalis ni Vanessa.  Binigyan ko siya ng weird na tingin. Kung alam niya kung gaano kademonita yung babaeng iyon. Panigurado, lalamunin niya yang sinasabi niya ngayon tungkol kay Vanessa.  "Nay! Kabahan nga kayo dyan sa mga sinasabi nyo" pati ako kinabutan bigla. "Bakit hindi ba?" "Opo. Halimaw nga yan sa office namin eh" "Kuya. Natural lang yun, kung hindi sya magiging halimaw malamang sa malamang walang may takot na kumalaban sakanya" pagdedepensa ni kath. Hay ano ba toh! Pati si Kath nalason na rin sa pasweet effect ni Vanessa. "Ahh basta brat sya" "Not the kind of brat I know" "Heh! Gumawa ka nalang nga ng assignments mo dyan! At matulog ka na pagkatapos" habang naghuhugas ng pinggan "Okie" tiningnan ko naman si nanay kung anong ginagawa, ayun may katext nanaman habang nakaupo sa sofa namin, ang sarap din ng buhay neto eh. Siguro boyfriend nya yung katext nya, ang lawak ng ngiti eh. Tss subukan lang niyang magkaboyfriend, matatamaan talaga ito saakin. "KUYA! Bakit andito yung cherry mobile mong phone?!" Kailangan talagang ipagsigawan yung brand ng phone ko? Amp.  "Kasi wala dito hehe aki na nga yan" "May nagtext. Girlfriend mo ata yieeeee hahahah!" "Hoy hoy ano yan?!" Ang talas talaga ng pandinig ng nanay ko pag dating sa usapang ganyan "Si Kath talaga! Wag ka nga! Wala akong GF noh! Aral na dun, dun! Jusko" sabi ko habang tinutulak si Kath papunta sa kwarto nya ayun pati na rin si nanay tinoon ulit ang pansin sa phone nya. From: Bal panget Bal!!! Samahan mo ako bukas, dali dali dali. Kailangan ko ng taga bitbit eh! PLEASEEEEE Ay nako eto talagang bestfriend ko na toh oh! Sigurado akong magshoshopping nanaman toh PARA SA MGA ASO nya. Dami dami nyang pera hindi kaya sya magshopping para sakanya naman, sabagay kung magshopping nga naman ito jusko pang nanay ang bibilhin nya hahaha. °°°°°
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD