Pagkatapos naming magsimba ni Kath, kami lang dalawa kasi si nanay wala nanaman sa bahay hays. Dumeretso na kami sa bahay nila Cherry, dapat dun nalang kami magkikita sa 7/11 dun sa may highway eh kaso late na nagising ang babaita at maaga natapos ang mass kaya pupuntahan ko nalang sya sa bahay nila.
Malapit lang naman dito ang bahay nila kaya pwedeng lakarin hehe sayang pera kung magtatricycle pa kami. Malaki rin ang bahay netong babaeng toh syempre mayaman eh ang kaso lang hindi halata sa itsura nya.
Pero maganda din naman sya ah.
Nakatago nga lang.
"Oh? Kiel and Kath! How nice to see you, again!" bati saamin ng mommy ni Cherry nang papasukin na kami nung tuluyan ng mga maids nila sabay beso.
"Hi Tita Claire. Si Cherry po?"
"She's upstairs in her bedroom. Teka may pupuntahan ba kayo?"
"Yes tita. Nagpapasama po kasi tong si Cherry eh"
"Owww. Date huh? Yiee" kulit ni tita hahaha
"Naku tita hahaha friendly date lang po. Bestfriends lang po kami nyang si bal"
"Naku. Lahat ay nagsisimula sa pagkakaibigan"
Ay nako si tita talaga oh. Lagi nalang kami inaasar dahil nga simula highschool kami na talaga ni Cherry ang palaging magkasama.
"Hindi naman po, may iba nagreremain as friends lang"
"Hay nako. Anyway, Kath would you like to stay here while your brother is not around? You can play with Cholo, Ginger and Cookie if you want and you can help me make some cupcakes too"
Cholo,Ginger and cookie. Mga aso yun ni Cherry haha. Si Cholo yun yung shih tzu, lalaki sya tapos si Ginger yun yung corgi at si Cookie naman yun yung maltese.
May plano ata tong mag pagtayo ng dog center eh. Jusko haha.
"Really po?! Yey! Pwede kuya?" Cherry said with pleading eyes.
"Basta pakabait ka ah!"
"Okie, okie" sabay deretso na ng garden nila Cherry.
Grabe yung batang yun feel at home lang hahaha. Sabagay simula pagkabata nyan halos dito na yan parati eh.
Si Tita Claire kasi yung nagaalaga sakanya habang asa school ako noon kaya kilalang kilala na sya. Para na ngang nanay na namin yang si Tita Claire eh. Kaya nga 'bal' na yung tawagan namin ni Cherry kasi para na talaga kaming kambal haha.
"Ay si Charles po?" tanong ko kay tita habang sya naman nagluluto.
"He's in our office" sabi ni tita at napa-ahh nalang ako.
Sayang wala si Charles yayain ko sana sya maglaro ng basketball sa next sunday.
Ay oo nga pala si Charles Perez halimaw sa basketball court noong nagaaral pa kami hanggang ngayon. Dati mas close pa kami ni Charles kesa kay Cherry dahil childhood friends kami kaya nga lang dahil nerd ako dati at si Charles may pagkaangas sa school namin at ahead sya saamin ni Cherry kaya kami hindi pinagtugma. Nakakatandang kapatid sya ni Cherry, by the way. Mabait pero may pagkasama rin tapos masipag rin sya kaya nga sya yung tagapagmana ng company nila eh.
Siguro tinatanong nyo kung bakit itong bestfriend ko eh sekretary lang ang bagsak eh samantalang ang yaman yaman nila. Well may sarili syang bakeshop, I mean sila ni tita pero paminsan minsan lang sya pumupunta dun dahil sa pagiging sekretary nya. Gusto nya daw kasi ako makasama. Ayaw nya daw kami maghiwalay. Kadramahan ng babaita hays.
"BALLL!!!!!!!!!!" biglang sigaw ni Cherry mula sa taas nung nakita niya kami at agad tumakbo pababa.
"MANANG!!!!!!" sigaw ko pabalik sakanya.
PAK!
"Aray! Ang brutal mo naman manang!" binatukan ba naman ako. Sakit ah!
PAK!
"Isa pa manang pag hindi ka talaga tumig--"
PAK!
Hindi na nga ako magsasalita baka hindi ako makalabas ng buhay dito. Para na ngang umiikot yung mundo sa lakas ng batok niya eh.
"Magsasalita ka pa?" taas-noo niya pang sabi na para bang nanghahamon.
"Sabi ko na nga hindi na" sabi ko na parang maamong tuta.
"Very good! Now let's go na! BYE GINGER! BYE CHOLO! BYE COOKIE!" sabay isa isang hinalikan yung aso niya.
Arf arf arf arf arf arf
"Oww I love you too"
Ha-ha-ha oo naiintindihan ko. Buti pa tong bestfriend ko naiintindihan nya may lahi talaga tong aso kaya nga nagiging kamukha na nya eh hahaha jk.
"Mommy aalis na kami. Byee!"
"Sure, Honey. Kiel ingatan mo tong prinsesa ko ah!"
"Sure thing tita. Bye! Hoy Kath! Pakabait ka ah! Wag masyadong lalapit sa mga aso baka maggiging kamukha ka neto" Sabay turo kay Cherry na nakatalikod saamin at tuluyan ng makalabas perp bago ako makalabas narinig ko pa silang nagtawanan.
"Hoy! Anong sinabi mo?! Ikaw ah! Porke't Vanessa ka lang ah, yieeee" sabay kiliti sa tagiliran ako. Leche!
"HAHAHAHAHAHAHA WHAT THE F! HAHAHAHAHAHAH BAL!!!"
"Grabe bal! Bakla ka ba?! Kung tumili, OVER"
"Ganyan talaga pag tumili ang mga gwapo, hindi ka ba informed? Sabagay yung utak mo ang layo sa historical time" binulong ko nalang yung huling sentence ko sabay akbay sakanya.
"Anong sinabi mo?!" inis niyang sabi sabay humalukipkip habang nakakunot yung noo.
"Hayss. Wala po" sabi ko at ngumiti sakanya ng pilit, napairap naman sya pero maya maya lang sabay din kaming tumawa. Totoo naman eh! Mukha ba akong nagsisinungaling?
"Ewww? Ganyan na pala ang definition ng gwapo? Panget naman!"
"Kung panget ako. Ano ka pa?"
"Edi dyosa" sabi niya at finlip pa yung buhok niya.
HALA SI MANANG! SINABIHAN ANG KANYANG SARILI NA DYOSA! Totoo ba ituhhh??
"HAHAHAHAHA DYOSA NG MGA ASO HAHAHAHA"
Ang galing talaga nito magjoke! HAHAHA.
"Dyosa lang kasi sayo si Ma'am Vanessa eh" bulong nya pero rinig ko rin naman sabay pout kinurot ko naman yung ilong nya.
"Hahaha. Dibale cute ka naman" sabi ko at papasok na sana kami sa kotse kaso lang...
"Hoy lovebirds! San punta?"
"Hoy Charles!" sabi ko sabay manly hug sakanya
"Bro! Wassup? Anong ginagawa mo dito?"
"Hi kuya! Bye kuya! Let's go bal!" natawa naman kaming dalawa sa sinabi ni Cherry hahaha. Galang gala na ata tong babaeng ito.
Bumalik naman yung tingin ko kay Charled, "May pupuntahan lang kami, bro. Nga pala basketball tayo this sunday ah! Siguraduhin mong sisipot ka ah"
"Oo na. Enjoy your date ah! Yieee" asar ni Charles saamin tsaka nakipagapir na saakin.
"Shut up" sungit netong babaeng toh haha.
Sumakay na ako sa kotse kasi itong babaeng toh excited much lang hahaha. Maaga pa naman, jusko.
"Manong sa SM po" sabi ni Cherry doon sa driver nila.
"Okay po" sagot naman nung driver at nagdrive na kami papaalis.
Cherry's POV.
"Hindi naman po, may iba nagreremain as friends lang"
"May iba nagreremain as friends lang"
"Friends lang"
"Friends lang"
"Friends lang"
Paulit ulit sinasabi ng utak saakin yang mga katagang iyan. Sakit. Hindi lang tagos sa puso eh, tagos din hanggang sa kailaliman ng bawat parte ng katawan ko.
Siguro nga hanggang friends lang ang tingin nya saakin. Kung may more than man...
Bestfriends
Kung meron ulit more than...
Super mega bestfriends
Hays BESTFRIENDS no more no less..
Kung alam lang nya kung gaano ko sya kamahal. Sana naman makita nya ako
Not as his bestfriend
But more than it
"BAL!"
"Ay more than it.. More than it" nagbalik ako sa realidad nang bigla sumigaw tong isang toh.
"Anong more than it ang sinasabi mo dyan? Ano ba kasing bibilhin mo dito sa pet store at kanina ka pa nakatutula dyan? Ano bang gusto mo?" sabi nya na nakatingin saakin at nakapamewang pa
Ikaw bal
Snap out of it, Cherry. Tama sya asa realidad ka hindi ka nanaginip, ibigsabihin nun si Vanessa pa rin yung laman ng puso nya. Kahit ilang beses pa man niyang itanggi.
Kaya as his bestfriend, wala ka nang magagawa doon kundi supportahan siya. Like a good bestfriend would do.
"Ah-eh. Wait ka lang! Naghahanap pa ako eh!"
"Kanina ka pa tulala dyan eh. May problema ka ba? Huh?" he said with his worried eyes sabay hawak sa magkabilang shoulders ko.
Argh! Bakit ba kasi sobrang caring nya at sobrang concern sya saakin? Namimisunderstand ko tuloy. Pero siguro, natural lang sakanya toh at siguro comportable na siya saakin kaya ganito nalang siya.
"Aish. Wala yun bal, iniisip ko lang yung bake shop" sabi ko at medyo lumayo sakanya tsaka tumalikod na "Sige dun ka nalang maghintay sa labas. Mabilis lang toh"
"Sigurado ka ah! Bilisan mo! Iiwan kita pagmatagal ka!" nginitian ko nalang sya at lumabas na sya. Hays makabili na nga ng bagong accessories at pagkain ng mga aso ko.
Kiel's POV.
Parang may problema si bal. Kanina pa ang lalim ng iniisip tapos parang ang lungkot lungkot pa ng mga mata nya. Hmmm hindi kaya...
Hala! Nagkakalovelife na si manang? Pfft hahahaha sino naman? Eh pag may crush palang yan sinasabi nasaakin, lovelife pa kaya!
Wala kasi kaming sekreto nyang si bal, we hate secrets parang kasi hindi kami magbestfriends kung may sekreto kami sa isa't isa. Parang hindi namin pinagkakatiwalaan ang isa't isa, pag ganun.
Hay nako ang tagal tagal naman nun! Mapuntahan nga. Papasok na sana ako ng may bigla akong nabungo. Haist! Ano ba t---
"O.M.G"
°°°°°