I felt contented. Pakiramdam ko ay mas matapang ako, lalo na ngayon. Hindi pa man kami nagkakabalikan ay pakiramdam ko ay hindi na kailangan iyon. Pero alam kong dapat ko pa ring ibigay iyon kay Ric. Ngunit wala pa at hindi pa man, he's giving me the assurance I didn't know I needed. "Are you okay now?" he asked. Hindi pa rin n'ya ako pinapakawalan, nakayakap pa rin. "Yeah..." Hindi ko na nga maalala na nalasing ako. Tipsy lang siguro ako kanina pero dahil doon sa ipinainom sa akin ni Reymond, tinamaan na talaga ako. Wala na nga lang ngayon. "You're going to sleep in my room, sa guestroom ako." Bahagya ko s'yang nilingon. "This is your house, Ric. Dapat ay ako ang sa guestroom." Ngumuso s'ya. Agad kong naramdaman ang amoy mint na hininga n'ya. "This is our dream house, Gabriella.

