Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Ric na umalis sa Pub 88. O baka kasi kahit ang mga kaibigan kong nakita namin ay halos itaboy na rin kami? "I told you, hindi pa ako uuwi," reklamo ko kahit na nasa labas na kami ng bar at naghihintay sa kung ano. "Lasing ka na," aniya. Kanina pa s'ya paulit-ulit doon. Para bang iyon ang sagot sa lahat ng katanungan sa mundo. "Hindi na naman ako umiinom..." Hinawakan ko ang ulo ko. Ang sakit! Mas kinabig ako ni Ric palapit sa kanyang katawan kaya literal na napasandal ako sa dibdib n'ya. Ang isa n'yang kamay ay nakahawak sa baywang ko, sinisigurong hindi ako mawawalan ng balanse. "Saka, ngayon na lang ulit ako uminom!" angil ko pa rin kahit sarap na sarap na ako sa paghilig sa malapad n'yang dibdib. "You and your antics..." aniya bago umil

