Ilang beses pa akong ganoon ang naging reaksyon sa tuwing nakikita ko si Ric. Nagugulat talaga ako at minsan ay hindi ko maiwasang hindi maipakita iyon. Napapapitlag ako at minsan naman ay nagagawa kong itago ang pagkamangha. Ilang araw pa yata ang lumipas bago ako nasanay na narito na ulit s'ya sa RAOC at madalas ko nang makita dahil magkatapat lang naman ang mga opisina namin. He got so busy. Hindi ko binabantayan ang kilos n'ya pero sa ilang beses na nakikita ko s'ya, para s'yang laging madaming trabahong ginagawa. Kaliwa't kanan ang meetings n'ya at lagi na lang ay may kausap s'ya sa kanyang opisina. It's hard to disregard his existence. May pagkakataon naman na dahil abala rin ako ay halos hindi ko s'ya mapansin. Miyerkules nang matanggap ko ang damit na isusuot ko para sa par

