"Do you have any idea about these freaking blue flowers?" Matalim ang pagkakatingin ni Sabina sa mga bulaklak na nakaayos sa loob ng may kalakihang kahon. Umiling lang ako. Akala ko ay natigil na ang pagpapadala sa akin ng mga bulaklak pero mukhang nagpahinga lang iyon at ngayon nga ay heto, may panibagong pakulo. Hindi na kasi hinahayaan ng security na makalampas sa kanila ang lahat ng bouquet na para sa akin at mula sa hindi pa rin nagpapakilalang sender. Lagi na ay pinababalik iyon sa mga nagde-deliver kaya natigil na rin. Akala ko nga ay wala na talaga dahil halos isang buwan na ang nakalipas na wala akong natatanggap na mga ganitong bulaklak. "Wala, e." Nakatitig na rin ako sa laman ng kahon. "Ang creepy, huh!" Sabina shrieked. "Parang stalker talaga ang sender nitong mga bulaklak

