"Miss Castro..." Mula sa pinto ay sumilip si Lolie. "Narito na po si Mr. Seguerra." Kinakabahang tumango ako at inilahad ang receiving area ng silid. "Dito ko na lang s'ya hihintayin, Lolie." Tumango na lang s'ya at lumabas na. Mabilis ko namang inayos ang mga papel sa lamesa at dumiretso sa pantry para maghanda ng maiinom ng bisita ko ngayon. Ilang araw na ang nakalipas mula nang mag-meeting kami sa RAOC at ngayon nga ay nandito ako ngayon sa opisina ko rito sa kompanya nina Alfon dahil sa personal na dahilan. Kailangan kong makausap nang personal ang taong ni-recommend sa akin ni Matthew at dahil ayaw kong may makaalam, dito ko na lang s'ya pinapunta. Dala ang teapot at dalawang maliit na tasa ay bumalik ako sa receiving area. Muling bumukas ang pinto at pumasok doon si Lolie kasunod

