Mabilis ang naging paglipas ng mga oras hanggang sa naging mga araw iyon. Sa tuwing magkakaroon ako ng oras para makapag-isip, lahat ay tungkol na sa project ng team namin. Isang beses ulit akong bumisita sa site at sobrang humanga ako sa bilis ng development sa construction ng subdivision. Hindi na rin naman nakakapagtaka lalo na at madaming engineer ang hands-on sa project at hindi talaga kinukulang sa mga trabahador. Hindi ko nga lang linya ang construction kaya naa-amaze pa rin ako sa tuwing makikita ang growth ng project. When the third week of the month came, saka lang ako nakapag-isip ulit ng tungkol kay Ric. My projects made me occupied kaya nang dumating ang araw ng meeting namin with RF and RAOC, doon ko lang na-realize na hindi ko pa nga pala ulit nakikita si Ric since that

