Bago pa nga lang ako makalabas sa opisina ko ay bigla nang bumukas ang pinto ng opisina ni Ric. Isasara ko pa lang sana ang ang pinto ng office ko pero napatitig na ako sa luhaang si Yelena, she looked at me darkly before walking out, almost running. I blinked. Saka lang ako natauhan nang maging si Ric ay lumabas na rin. He glanced at my way before proceeding to the opposite direction. I sighed. Tiningnan ko ang hawak ko bago napailing. What the hell is happening with me? Bakit parang kahit ayoko... kusa pa ring gustong manatili ng puso ko sa tabi n'ya. And I'm also concerned about what's happening with the two of them. Kanina pa lang sa site, hindi na maganda ang itsura ni Yelena. She looks pained and hopeless. May nangyari kaya? "Miss Castro." I eyed Simon. Isang papel ang ibinigay

