Chapter 130

3021 Words

"Hindi ako makakauwi rito mamaya," Conrad told me while we're having coffee. Nginisihan ko ang lalaki. "Hindi ka naman taga-rito, e. Saka bakit ka ba rito laging umuuwi?" Mataas ang tasa na pinili n'yang pagtimplahan ng kape. Ewan ko ba kung bakit nagpapakalunod sa kape ang isang ito. Kung hindi alak, kape naman ang pinagtitripan ng isang ito. "Bahay ko na rin 'to, e. Ang dami ko nang bahay!" Humalakhak pa ang gago. Napailing na lang ako at sinulyapan si Markiel na kagigising lang. Kabababa lang n'ya at magulo pa ang buhok. "How about you, Mark? May schedule ka ba today?" "May therapy lang ako..." He yawned. Lumapit s'ya kay Conrad at ininom ang kape nito. "Oy, akin 'yan!" Markiel didn't mind him. Ininom lang nito ang kape bago pasalampak na naupo. Nasa patio kami. Maaga pa kasi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD