Hindi na ako tuluyang nakapag-focus sa trabaho dahil sa naging pag-uusap namin ni Aidan. Masyado akong nalulong sa pag-iisip kung ano ang puwedeng mangyari sa oras na mahanap n'ya ang aking ina. Pupunta ba ako ng Nueva Vizcaya? Paano ako lalapit sa kanya? Magpapakilala ba ako sa pamilya n'ya... na dapat ay pamilya ko rin? I sighed. Hindi ako sigurado kung anong mangyayari kaya litong-lito na rin ako. Kinakabahan din ako at hindi ko rin puwedeng itanggi na excited ako sa mga puwedeng mangyari. Wala pa ngang nangyayari sa mga iniisip ko pero grabe na kung ihanda ko ang sarili. "Miss Castro?" Muntik na akong mapapitlag nang bigla na lang pumasok si Simon. Nagulat din s'ya sa naging reaksyon ko kaya mabilis s'yang bumalik sa may pinto. "S-Simon!" Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang ka

