"Whoa! Bakit kayo magkasama?" Hindi na ako nagulat nang si Conrad ang magbukas ng gate ng bakuran namin. Ano pa bang aasahan ko sa kumag na 'to? May susi rin s'ya rito sa bahay namin! "Ikaw? What are you doing here?" tanong naman ni Ric. Akala ko nga ay ihahatid n'ya ako pero pumasok pa rin s'ya sa bakuran. Hindi ko na narinig ang isinagot ni Conrad dahil dumiretso na ako sa bahay. Ito ang gusto ko kay Conrad kapag nandito, maayos at maliwanag ang bahay. Kaya nga hinahayaan ko na lang s'yang maglabas-pasok dito dahil ayaw ko talaga na uuwi ako sa bahay na mukhang malungkot at madilim. Mabuti na iyong maliwanag na bahay ang uuwian ko. Nasa hagdan na ako nang marinig ko ang papalapit na boses ng dalawa. Business na ang pinag-uusapan nila at base sa boses ng dalawa, baka mamaya pa ito um

