What's happening here? Akala ko ba ay nasa Germany s'ya?! "Huh? Miss Castro?" Inis na binalingan ko si Simon at sinamaan ng tingin. Napapakamot sa ulong ipinakita n'ya sa akin ang tablet na basta ko na lang isinalpak sa kanya. "Pakihawak," mahinang sabi ko at mabilis na hinanap ang cellphone sa bag. I need to know what's happening! Anong ginagawa ni Ric dito? Akala ko ba ay nasa Germany s'ya? Ano at nandito s'ya ngayon? How about the conference? Paano iyon? Hindi ba s'ya pumunta? Obviously, Gabriella! I shut my eyes for a moment. Think, Gabriella. You have to think first. Pero wala akong maisip na sagot! Pakiramdam ko, kabababa ko lang sa bundok at wala akong kaalam-alam sa kalakaran dito sa kapatagan! I typed fast. Muntik ko pang mai-send sa iba. After scribbling my message, mabili

