"Wala ka nang suot na singsing, ibig bang sabihin nito ay wala na kayo?" Kabilaan ang pagtaas ng kilay ni Sabina. "Shut it, Sab. Hindi naman sila naghiwalay talaga. Cool off lang daw," si Letti. "Cool off and break up is the same thing, Letti! Ibig sabihin, puwede silang lumandi at magpalandi sa iba. Itong si Gabriella, alam kong hindi 'to lalandi pero how about Ric? Baka sa sobrang sama ng loob niyon, patulan na si Yelena!" Inis na tumingin sa akin si Sabina. "What do you expect? Ikaw ba naman ang iwanan ng dalawang beses, e. Kahit ako— Sinapak ni Sab si Josiah. "Don't me, JC. Hindi ka iiwanan dahil mas ikaw ang nang-iiwan!" "He's now in Germany, right?" Bumaling sa akin si Letti at ngumisi. "Siguradong madaming babae roon. Hindi na ako magtataka kung matukso si Father." Mabilis na

